While waiting for Kim dito sa may gate para pumunta na kami ng room may biglang lumapit sakin tapos nagtanong.
"Hi ate. I'm Ara Galang nga pala. Magtatanong lang sana ako kung saan ba Department of Chemistry dito? kanina pa kasi ako paikot-ikot di ko makita."
Sasagot na sana ako ng bigla kong napansin na familiar siya. Yun, sya pala yung nakatapon ng drinks sa damit ko kahapon sa mall, inunahan ako sa pila sa pagkuha ng ticket sa sinehan tapos sa kamalas malasan nagkasabay pa kami sa jeep pauwi tapos natapakan pa niya paa ko. At sa lahat ng malas na nangyari sakin kahapon ni isang sorry wala akong narinig. Tapos ngayon magtatanong kung 'san ang Chemistry Department? Nag ate pa. Na nanadya ba to?
"Ah, Department of Chemistry ba kamo? Ganito, nakikita mo ba 'yung statue na yun sa taas? Si malakas at maganda? Pag nakarating ka dun kumanan ka tapos may makikita kang nakasulat na Chemistry Department tapos yun na yun. "
"Ah, ganun ba? Sige ate ha salamat."
I just smiled at her and waved goodbye. Buti nga sayo. Mawala ka sana.
Actually 'yung Chemistry Department is nasa baba lang. At alam ko yun dahil yun ang department namin ni Kim. Kaso naiirita ako sa kanya eh. Kahapon pa siya. Maka ate pa parang ang tanda-tanda ko na eh parang magka edad lang naman kami. Bahala siyang maligaw.
"Mika? anu na naman iniisip mo dyan? tsaka nakasimangot ka pa."
"Ah wala Kim. Tagal mo kasi. May nakasira tuloy ng araw ko. Pero yaan mo na sinira ko din naman araw niya. (Wink) Tara punta na tayo sa room."
Sakto pagkadating namin ni Kim dumating na rin si Prof.
"Okay class. Good morning. How's your summer? Did you enjoy? Kasi pasukan na naman, meaning aral-aral ulit tayo."
Kung alam mo lang sir. Di ko na enjoy summer ko. Puro iyak lang ako. Ikaw ba naman malaman mong rebound ka lang pala matutuwa ka ba? Langya ang sakit. Mahal daw niya ko at ako lang daw. Naniwala naman ako. Yun pala may mas mahal siyang iba. Ako pa talaga ginawang rebound ah para bumalik ex niya. Nakakasira ng summer.
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
FanfictionThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.
