Patuloy akong magtitiwala na magiging okay kami ni Yeye. Pagsubok lang 'to sa amin. Alam ko kakayanin naming lagpasan to. Di ko hahayaang mawala ng tuluyan 'yung babaeng nagbalik ng ngiti at saya sa buhay ko. Wala na akong ibang gusto, siya lang. -Ara
"Kim? Di pa ba tumatawag si Yeye sayo o kahit si Mela man lang? (Pang ilang ulit na tanong ni Ara kay Kim simula nung nakabalik siya after ng pag uusap nila ni Bang)
" Hindi pa ulit eh. Kagabi 'yung huling tawag ni Mela. Di ko na din muna ginugulo kasi alam ko galit din sakin yun"
"Naku. Ou nga pala noh? Sorry Kim ah? Pati kayo ni Mela nadadamay na dito. Imbis na magkasama sana kayo ngayon, andito ka, sinasamahan ako tapos si Mela andun sinasamahan si Mika"
"Nu ka ba naman. Ilang ulit ko bang sasabihin na ayos lang. Di kayo abala ni Mika, mga kaibigan niyo kami kaya ngayon na kelangan niyo kami, di namin kayo iiwan at di namin kayo pababayaan"
"Salamat Kim ah? Simula sa pag-amin, panliligaw at hanggang ngayon andiyan ka pa din, kayo ni Mela para sa amin ni Mika"
"Eto naman, pati tayo niyan magkaka dramahan eh. Basta andito kami palagi. Pero napapaisip ako ngayon (napatingin ng sobrang seryoso si Ara kay Kim) paano kung magkatotoo talaga 'yung sabi ni Mela na sila na muna ni Mika tapos tayo na muna?
"Langya Kim (sabay hampas ni Ara sa braso ni Kim)"
"Aray naman Ara. Makahmpas wagas. Parang walang bukas"
"Eh kasalanan mo din naman. Akala ko anu na sasabihin mo. Alam mo bang kinakabahan na 'ko nun?"
"Eh? Ba't ka naman kakabahan?"
"Akala ko kasi sasabihin mo na baka magkatotoo 'yung sinabi ni Yeye na di na talaga niya kaya, na bibitaw na siya, na aayaw na siya sa'kin"
"Baliw! Ba't mo naman naisip na yun sasabihin ko sayo?"
"Malay ko! Grabe ka kasi mag isip eh. Tapos alam mo naman na si Yeye lang iniisip ko ngayon at paano aayusin to"
"Tigil na kasi kakaisip masyado"
"Tigil na din kasi sa kakasalita ng kung ano-ano"
"Gusto lang naman kita patawanin eh. Di ako sanay na ganyan ka. Kaya tawa ka na. Pag di ka tumawa baka talaga tayo na magka jowa neto" (sabay tawa ni Kim ng sobrang lakas)
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
Fiksi PenggemarThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.
