Chapter 29

76 3 0
                                    


Sa side naman tayo ni Mika at Mela bago nangyari yung pag uusap ni Ara at parents ni Mika sa mismong Boarding House nila.









"Ye? Gala tayo, para guman naman kahit papaano yang bigat diyan (sabay nguso sa puso ni Mika)












"Saan naman tayo pupunta Mel? Commute tayo neto?"













"Oh, bakit? Di naman na tayo mawawala. Liwaliw lang tayo, pangwala ng stress at para ma divert din attention mo."












"Eh saan nga tayo pupunta kasi?"














"Kahit saan basta alis na muna tayo dito sa Boarding House, nakakabagot na dito eh. Tapos mas lalo kang nalulungkot dito eh. Lakad-lakd lang tayo. Food trip, kung gusto mo inom tayo tapos sigaw mo gaano kagago ang mundo"














"Sige na nga. Basta iinom tayo ha?













"Langya Ye. Kung di ko pa sinabing pwede tayo uminom di ka pa papayag na gumala tayo"














"Gusto lang makalimot kasi kahit saglit."











"Ou na kaya bilisan mo na diyan at kumain muna tayo para makaligo at ng maka alis" (Sabay hila ni Mela kay Mika pababa ng higaan para makakain na).













Pagkatapos nilang kumain, agad naman naligo si Mela habang si Mika hinanda na muna susuotin niya at nagligpit muna ng mga kalat sa room nila. Iba din talaga eh noh? Kahit broken na, kahit nasasaktan na may oras pa din mag linis. Haha.













Pagkatapos maligo ni Mela, sumunod naman si Mika. Tapos habang nagbibihis si Mika, napag isip-isip ni Mela na di nalang niya dadalhin phone niya tapos off nalang din niya para walang makaabala sa kanila ni Mika. Kaya pagkatapos niya magbihis, in.off niya phone niya tapos nilagay sa mesa na nandun sa room niya.














Pagkatapos mag prepare ni Mika, umalis na sila ni Mela. Umalis na parehong walang dalang cellphone.














"Oh tapos, saan tayo neto ngayon? (Tanong ni Mika kay Mela habang naglalakad lakad sila)















"Mall muna tayo, palamig lang ang init kasi dito sa labas tapos ikot-ikot na muna tayo dun tapos mayang mga hapon na pag di na masyadong mainit sa may gilid ng dagat tayo, dun tayo mag inom."











"Ba't di nalang ngayon yung inom?"












"Hooy Yeye, ang init-init pa para uminom. Ang init sa may dagat. Baka magmukha tayong sunog neto"












"Sige na nga. Mall na kung mall"













Kaya ayun, nag mall na muna sila. Pa ikot-ikot. Window shopping kasi tinatamad mamili kasi daw sabagal mamaya pag mag inom na sila, baka maiwan lang daw kaya mas mabuti daw na huwag na. Tapos nag Arcade sila ng nag arcade ng paulit-ulit hanggang sa nakaramdam ng gutom si Yeye.













"Mel? Tara na? Di naman na mainit ata sa labas. 4:00 P.M na eh. Nagugutom na ako."













"Oh sige tara. Saan ba tayo kakain?"













"Sa labas na. Street food nalang tayo. Nakakamiss eh"












"Sige-sige. Na miss ko na din street foods eh."













Pagkalabas nila sa Mall, dumiretso sila sa kung saan may mga nagbebenta ng street foods at doon naman sila tumambay. Yung dapat kakain lang saglit pero naging tambay ang dating kasi di na matapos tapos sa pagkain.











"Ye? Iinom pa tayo. Sigurado ka bang kakayanin mo pa?"












"Nu ka ba naman Mel. Ou naman.  Ako pa. Ano pala iinumin natin?"










"Yun din yung hindi ko pa alam eh. Nu kaya pwede?"














"Di ko din alam. Basta iinom nalang ako kung anu ipainom mo. May tiwala naman ako sayo na di mo lalagyan ng lason ipapainom mo sa akin"











"Loko talaga to. Kung si Bang pwede pa." (Sabay twwa ni Mela)













"Baliw! Huwag ganun. Hayaan mo nalang yun"













"Alam mo Ye. Kakainis ka. Ang bait-bait mo sobra. Kung ex ni Kim mag gaganyan sakin? Nakoooooo! Ewan ko nalang talaga. Painumin ko siya ng Muriatic Acid isang litro eh."












"Baliw ka talaga. Di nakulong ka kung ganun."











"Makukulong lang pag nahuli. Sino nagsabi na papahuli ako?"











"Langya ka Mela. Utak kriminal ah" (sabay tawa nila pareho) pero alam mo Mel? Di ko din maintindihan sarili ko ba't di ko kayang magalit kay Bang. Siguro kasi nauunawaan ko siya na baka di pa talaga niya tanggap o baka ako lang yung way para ma realize ni Ara na si Bang pa din pala."










"Hoy Yeye! Di pa tayo umiinom pero kung anu-ano na lumalabas diyan sa bibig mo. Mas mabuti pang sa KTV bar nalang tayo magpunta para kanta tapos inom."











"Sabi mo sa may tabing dagat tayo iinom para isigaw natin gaano ka gago ang mundo"











"Pwede naman po tayong dumaan dun, para lang kasi maayos pwesto natin sa pag inom."












"Ikaw bahala. Basta dapat malasing ako ng sobra. Yung makakalimutan ko yung sakit dito (sabay turo sa puso niya).











"Ou na. Kaya tara na, at para madami kang mainom kung gusto mong malasing."











At tuluyan na nga silang umalis at naghanap ng KTV Bar.









Naku! Kaya pala wala sa Boarding House. May pa KTV Bar pala ang dalawa.








Never shall we sink! 💚💚💚

The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)Where stories live. Discover now