Chapter 26

103 4 0
                                        


After nung pag-uusap namin ni Bang, bumalik na agad ako sa boarding house namin ni Kim tapos nakita ko na sobrang himbing pa ng tulog niya tapos nalala ko yung sinabi niya kaninang madaling araw bago kami matulog "Huwag na huwag mong susukuan si Yeye kung talagang mahal mo siya. Alam ko, wala ng namamagitan sa inyo ni Bang, alam kong tapos na 'yun pero kasi may mga nakita si Yeye. Di naman sa walang tiwala sayo yung tao pero kasi alam mong may trust issue 'yun diba? Tapos tinulungan mo siyang i.overcome yun. Kaya sana, ayusin niyo to Ara. Pag usapan niyo ng mabuti. Huwag kayo patalo sa ganito kasi kayo din mas mahihirapan. Alam ko isang taon palang kayo, pero kita at dama namin kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa kasi di din naman sukatan ang haba ng pagsasama eh. At sa panahon ngayon, ang rare ng makakita at makahanp ng taong mamahalin ka ng buo, at tanggap kung sino ka. Kaya ayusin niyo." Hindi ko nalang namalayan na tumulo na naman luha ko habang nag fla-flashback 'yung sinabi ni Kim. Kaya aayusin ko to, aayusin namin to. -Ara










@Mika and Mela's Boarding House











Akala ko pag gising ko okay na ako, pero kabaliktaran yung feeling. Ang bigat sa dibdib. -Mika








"Ye? Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?"









"Okay na naman ako Mel. Salamat ha? Tsaka pasensya na kung di kita nakausap kahapon. Sorry sa abala."










"Anu ka ba, wala yun. Kung sakin din naman nangyari yun, alam ko yun din gagawin mo."










"Hindi gagawin ni Kim yun sayo. Mahal ka nun eh. At kung gagawin man niya, lagot siya sa akin" (sabay tawa na sobrang tipid)










"Mahal ka din naman ni Ara, Ye."









"Sus. Di noh. Naaawa lang sakin yun. Gusto na nga makipaghiwalay kasi babalikan si Bang eh. Kaso naaawa daw sa akin"









"Kanino ba nanggaling yang sinasabi mo?"









"Kay Bang. Nag message siya sakin the night before tayo nag punta kina Kim tapos yun na yung nangyari. Langya, di ko man lang naisip na possible pala na mangyari yun, di man lang ako kinutuban"








"Alam ba ni Ara?"









"Ou. Sinabi ko naman sa kanya lahat eh."









"Paano side niya? Lam mo na din ba?"









"Di na kelangan Mel. Nakita ko na naman lahat eh. Sapat na yun"








"Ye, di naman sa kinakampihan ko si Ara pero parehas ko kayong kaibigan. Masakit din sakin 'tong nangyayari sa inyo pero bigyan mo naman ng chance si Ara na maipaliwanag side niya kasi di lahat ng nakikita ng mata, tama at totoo."









"Para saan pa Mel? Kung gusto niya ko hiwalayan di hiwalayan. Huwag siya maawa sakin kasi kaya ko sarili ko. Nabuhay ako ng ilang taon na wala siya at kinaya ko, kaya kakayanin ko ulit"









The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now