Chapter 33

107 2 0
                                        

Narinig ko pag-uusap ni Mika at ng parents niya. Iba pa din talaga pag magulang mo na yung nangangaral sayo. Tagos eh. At buti nalang din kinausap ni Bang si Mika at pinaliwanag niya lahat ng nangyari. Ngayon kami naman ang dapat mag usap. Pero okay na kaya talaga siya? Okay na ba kaya sa kanya na pag-usapan yung tungkol sa amin? Bahala na. Di ko malalaman kung di ko susubukan.












"Ye?"












Di ko alam kung bakit pero nung narinig ko boses ni Ara na tinawag pangalan ko, bigla akong naiyak yung hagulhol na iyak. -Mika











Nung napansin ko na umiiyak na si Mika, lumapit na ako tapos hinarap ko siya sa akin sabay yakap sa kanya. -Ara














"Sorry Babe. I'm so so------rry. So----rry kung di ki-----ta pinakinggan, kung hi----hi----nayaan ko na pa----ngunahan ako ng pagdududa. So------rry." (Paulit-ulit na sorry ni Mika habang umiiyak ng sobra).











"Shhhh! Ako dapat mag sorry. Sorry kung di ko sinabi sayo nung una pa lang. Dapat ipinaalam ko sayo para di umabot sa ganito. Tahan na." (Pag hingi din ng tawad ni Ara habang patuloy na hinihimas-himas yung likod ni Mika).











Nanatiling magkayakap ang dalawa hanggang sa na feel ni Mika na masusuka siya kaya agad-agad itong tumakbo papuntang banyo. Sinundan naman siya ni Ara.











"Huwag ka dito Babe. Kadiri oh" (Pagpapa.alis ni Mika kay Ara habang patuloy sa pagsuka. Pero di pinakinggan ni Ara si Mika at patuloy niyang hinimas himas ang likod ni Mika habang hinahawakan ang buhok nito para di masukahan).













"Iinom-inom kasi eh. Di naman pala kaya."














"Eh naman. Ngayon ko lang din naman naramdaman yung pagka hilo, okay naman ako kanina. Tsaka kaya naman talaga ah. Nakauwi pa nga kami ni Mela" (pag defend ni Mika sa sarili habang nagpupunas na ng mukha).












"Ano gusto mo inumin o kainin? Gusto mo kape? Noodles?"













"Ewan Babe. Maliligo na muna ako. Ang init ng pakiramdam ko eh."











"Oh sige2"













Pagkapasok ni Mika ng banyo para maligo, lumabas naman si Ara at nakita niya si Kim na minamasahe ulo ni Mela.






"Ayan. Iinom-inom kasi. Ano ngayon inabot niyo? Sakit ng ulo at suka" -Ara












"Eh gusto ko lang naman pagaanin nararamdaman ni Mika" (pagpapaliwanag ni Mela kay Ara at Kim)











"Baliw ka ba Love? Narinig mo na si Tito kanina diba? Di solusyon ang alak" -Kim













"Eh at least napasaya ko si Mika kanina. Yun yung mahalaga."












"Eh panu kung may nangyari sa inyo kanina? Iniwan iwan mo pa talaga phone mo ah. Alam ng pareho kayong babae tapos painom-inom pa"












The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now