Habang nakaupo kami ni Mika sa may Sea Wall may biglang tumapik sa braso ko. Pag tingin ko. Si Bang, tapos sinenyasan niya ako na huwag mag.ingay kaya tumayo nalang ako para hayaan silang mag-usap ni Mika. Halatang di napansin ni Mika pag alis ko kasi nung nakita niya na si Bang yung tumapik sa kanya, agad siyang lumingon sa side kung saan ako nakaupo kanina. Gusto ko sana samahan siya pero mas okay kung sila lang ni Bang. Kaya nung nakita ko na tapos na sila mag-usap at umalis na si Bang, doon na ako lumapit ulit kay Mika. Ang galing noh? Di naman planado na magkita sila ni Bang para pag usapan to pero nagkita pa din sila. Universe na talaga gumawa ng way para maayos ni Mika at Ara tong nangyari sa kanila through Bang na dahilan din kung bakit nag away sila. Grabe ka Universe. Iba ka gumalaw. -Mela
Nung malapit na kami sa Boarding House, nagulat ako nung makita ko sasakyn nila papa pati ni Ara. Anong ginagawa nila Mama dito? Alam ba kaya nila yung nangyari sa amin ni Ara? Nagkatinginan nalang kami ni Mela at kita sa mga mukha namin yung gulat sa nakita namin pareho. -Mika
"Ye? Sasakyan ng parents mo diba?" (Tanong ni Mela na nagtataka)
"Ou Mel. Huwag ka na magtatanong kung bakit kasi di ko din alam. Ano kaya meron?"
"Tara, pasok tayo para malaman natin" (Ani ni Mela)
Pagkapasok nila sa gate, nakita ni Mika si Ara na nasa labas ng bahay at namamaga ang mga mata.
Napatingin ako sa may gate nung marinig ko pagbukas nito, at nakita ko si Mika. Namamaga mga mata at sobrang pula ng mukha. -Ara
"Ye? Okay ka lang?" (Tanong ni Ara habang papalapit kay Mika)
"Ou okay lang ako. Ba't andito sina Mama? Kanina pa ba sila?"
"Kaninang hapon pa. Nasa loob sila hinihintay ka." (After narinig ni Mika sagot ni Ara, agad itong pumasok sa loob, at doon nakita niya parents niya na nakaupo lang sa sala).
"Ma? Pa? Ano po ginagawa niyo dito?" (Agad naman na lumapit Mama ni Mika sa kanya tapos niyakap siya. Nag taka naman si Mika kaya napatanong siya) "Okay lang po ba kayo Ma? Anong problema?"
"Wala anak. Kanina pa kasi kami nag-aalala sayo kasi iniwan mo lang phone mo. Lika dito, upo ka muna." (Naupo si Mika katabi Papa niya tapos umupo na din Mama niya kaya napagitnaan siya nung dalawa).
"Sorry Ma. Sorry pa." (Nag so.sorry si Mika habang nakayuko lang)
"Okay lang anak. Gusto mo pag-usapan?" (Papa ni Mika)
"Nako. Huwag na po. Matulog na po kayo. Anong oras na po oh. Okay lang po ako."
"Okay? Eh ba't sobrang namamaga yang mga mata mo?"
"Wala to Ma. Ayos lang po ako"
"Anak. Di mo na kelangan itago. Alam na namin. Nasabi na ni Ara sa amin. Alam na namin lahat ng nangyari. Side mo nalang gusto namin malaman kasi alam na naman namin side mo pati yung dun sa Bang na ex ni Ara"
"Di ko po kasi alam pano sasabihin o sisimulan eh. Tsaka ayoko naman po talaga ipaalam sa inyo kasi alam ko mag-aalala kayo. Ba't ba kasi sinabi ni Ara?"
"Kaninang umaga pa kasi kita tinatawagan tapos di ka naman sumasagot kaya si Ara na tinawagan ko. Di naman din alam kung nasaan ka, kaya nag decide kami ng papa mo na magpunta nalang dito, tapos wala na naman ibang maisip na dahilan si Ara kaya sinabi niya totoong nangyari."
"Sorry po ulit sa pag-aalala niyo. Di na po mauulit. Tsaka okay na po ako. Alam ko na po totoong nangyari. Nagkausap na kami ni Bang bago kami umuwi dito ni Mela. Sinabi na niya lahat. Maliwanag na po sa akin lahat-lahat."
"Mabuti naman kung ganun. Ngayon kelangan niyo mag-usap ni Ara para maging okay na talaga kayo"
"Opo Papa."
"Teka, ba't amoy alak ka? Uminom ka ba?"
"Kunti lang po ma. Pampawala lang po ng sakit."
"Oh tapos nawala ba?" (Curious na tanong ng Papa ni Mika)
"Hindi po Pa."
"Oh diba? Kasi hindi solusyon ang alak sa kahit na anong problema, ou siguro habang umiinom ka parang nagiging manhid ka pero pag nawala na ang epekto ng alak, babalik din ang sakit, tapos ano? Inom ulit? Magiging paulit-ulit lang. Dapat pinag-uusapan. Dapat pinakikinggan at inaalam ang totoo, dapat hindi ka palaging pangunahan ng emosyon mo." (Pangaral ng Papa ni Mika sa kanya)
"Opo pa. Hindi na po mauulit"
"Sige na. Pag usapan niyo na ni Ara yang problema niyo. Matutulog na kami ng Mama mo at maaga pa kaming aalis bukas kasi mga kapatid mo iniwan lang namin sa Lola mo."
"Sige po Pa. Good night po. Good night din Ma." (Sabay yakap ni Mika sa parents niya)
Nung pumasok na sa kwarto ni Mika yung parents niya para matulog, naiwan siyang nakatayo sa may sala at iniisip paano kakausapin si Ara na hanggang nagyon nasa labas pa din at kasama sila Mela at Kim.
Kakahiya naman kina Mama at Papa yung nangyari. Para akong High School student na naglayas o na kidnap sa ginawa ko. Pero sobrang napagaan nila loob ko nung nakita ko sila, lalo na nung niyakap ako ni Mama at Papa. Parang nawala yung bigat, aside sa nalaman ko na yung totoo, mas napagaan pa nila Mama yung nararamdaman ko. Ngayon kelangan ko nalang kausapin si Ara para maayos na 'to. Para maayos na kami. -Mika
Never shall we sink! 💚💚💚
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
FanfictionThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.
