Until now, parang di pa din totoo 'yung nangyari. Parang nightmare lang lahat ng ito. Ma message nga si Kim. -Mela"Love? Kamusta si Ara diyan? Si Yeye nakatulog na sa kakaiyak eh."
"Eto love. Ayaw pa din matulog ni Ara. Gusto daw makausap si Yeye. Sabi ko naman huwag na muna kasi wala din naman mangyayari kasi ang fresh pa nung nangyari." -Kim
"Ba't ba kasi sumingit si Bang? Alam niya ba 'yung sakit na na feel ni Mika kanina at hanggang ngayon? Tapos ba't di mo din sinabi kahit sa akin man lang na kasama niyo pala siya diyan?"
"Mel, Love, sorry. Di ko naman alam na aabot sa ganito eh. Ilang beses sinubukan ni Ara sabihan si Yeye pero palaging nawawala sa isip niya eh. Tapos wala naman talaga kasi. Di naman talaga sila nagkakausap na sila lang. Palagi naman ako kasama ni Ara. Tsaka Love di ko din naman hahayaan na saktan ni Ara si Yeye. Best friend ko yun eh."
"Nagkaka-usap o hindi. Wala na din, tapos na. May nasaktan na. May umiyak na. May na dehado na. Di nag-uusap pero tabi sa pictures tapos may pa buhat na parang bagong kasal? So king di usap ano? Harutan? Landian? Langya naman eh."
"Mel, di natin alam kung ano talaga nangyari. Hintayin na muna natin na sabihin ni Ara side niya. Kung nahihirapan ka sa nangyayari, nahihirapan din ako kasi kaibigan ko din sila pareho. Pero wala kasi tayong alam eh. Hintayin na muna natin"
"Pag talaga di magkaayos tung dalawang to, malalagot si Bang sakin."
"Kalma na muna Love. Bukas malalaman din natin kung ano ba talaga totoong nagyari. Tulog ka na din diyan."
"Buti nalang talaga Sabado bukas, walang OJT kasi magtataka managers bakit maga mga mata nung dalawa. Sige2 tulog na ako. Tulog na din kayo diyan"
"Kaya nga eh. Sige Love. Antayin ko lang makatulog si Ara tapos matutulog na din ako."
After nung exchange of convos ni Mela at Kim through text, inantay nalang ni Kim na makatulog si Ara tapos si Mela natulog na din dahil nakatulog na din naman si Yeye.
Kinabukasan
Pagkagising ni Ara, nag message agad siya kay Bang.
"Bang? Busy ka? Usap tayo saglit. May kelangan lang ako linawin. Please?"
"Good morning, Ara. Sure. San tayo mag uusap?"
"Sa coffee shop nalang malapit sa company. Mabilis lang naman eh."
"Okay sige. Mga 9:00 A.M okay lang?"
"Ou sige. 9:00 A.M."
@9:00 A.M (Coffee Shop)
Ng makita ni Ara si Bang pagka pasok sa coffee shop. Kinawayan niya eto para makita siya at agad naman na pumunta si Bang kung saan naka pwesto si Ara.
"Ohhh. Nung meron? Ba't biglaan? Miss mo 'ko?"
"Bang, di na ako magpapaligoy-ligoy pa. May mga bagay lang akong gustong linawin sayo"
"Wait lang naman. Ba't parang ang seryoso naman ata ng tono mo diyan? May nagawa ba ako?"
"Takte naman Bang eh. Tigil mo na nga pagpa inosente mo jan. Ba't ginawa mo yun?"
"Yung ano? Di kita gets."
"Takte naman Bang eh. Di ako nakikipagbiru.an at mas lalong di mo ako madadaan sa pagpapaka inosente mo jan"
"Ano nga kasi?"
"Ba't mo ginawa yun? Ba't nag message ka kay Yeye na nagkausap tayo tapos sinabi ko pa na mahal pa pala kita, na bumalik lahat nung nakita kita? Na naaawa lang ako sa kanya kaya di ko siya mahiwalayan? Langya naman Bang. Tagal na nating tapos"
"Bakit? Di ba totoo? Kaya ka nga di makalapit sa akin diba? Kaya nga di mo ako pinapansin kasi naiilang ka. Kasi natatakot ka na baka nga bumalik lahat. Siyempre di mo iiwan 'yung Mika na 'yun kasi sa pagkaka alam ko niloko din yun nung ex niya."
"Langya Bang, san mo kinukuha yang mga sinasabi mo? Sang lakas ng loob ka humuhugot ng lahat ng 'yan? Wala ka na ba talagang ibang magawa sa buhay mo at pati kami ni Yeye na nananahimik lang pinapaki.alaman mo?"
"Di ako nangingialam Ara. Binabawi ko lang kung ano yung para sa akin. Akin ka lang Ara. Akin ka lang."
"Kahit kelan Bang di mo ako naging pag.aari, at hindi mangyayari yun. Diba nga kahit nung tayo pa wala ka namang paki talaga sa akin? Tapos ngayon hahabol-habol ka to the point na sisirain mo kami ni Yeye Si Yeye lang gusto ko at kahit ano pang gawin mo, di magbabago yun. Kung anu man meron sa atin noon, wala na yun, tapos na yun at di mo na maibabalik yun"
"Nagkakamali ka Ara. Lahat ng gusto ko nakukuha at makukuha ko kaya magiging akin ka ulit."
"Pasensya ka na Bang ha? Pero kahit anung gawin mo, di mo ako makukuha kay Yeye. At kung hindi man kami magiging okay ulit, mas pipiliin ko pang di na mag mahal ulit kasi siya lang gusto ko. Siya lang mahal ko."
"Nasasabi mo lang yan kasi naaawa ka sa kanya"
"Di ako naaawa kay Yeye. Mas naaawa ako sayo Bang. Wala ka na ba talagang delikadesa at mananakit ka ng ibang tao para makuha lang gusto mo na di ka naman na kayang mahalin? Bang ano ba. Tumigil ka na. Kung talagang mahal mo 'ko, you'll let me go at hahayaan mong sumaya ako sa iba. Bitawan mo na ako at yung thought ng tayo kasi di na mangyayari ulit yun. Wala ng tayo at wala ng magiging tayo pa.
When it comes to love. May mga bagay talaga tayong nagagawa na di naman talaga dapat. Di naman talaga natin kelangan manakit para mahalin tayo at makuha natin gusto natin. Kasi kung ganon? Di love yun eh. Selfishness and obsessiveness na 'yun. Wag ganun. Di healthy 'yun at mas laling di tama 'yun. Ang toxic ng ganon. Matuto kang mag hintay ng para sayo. Wag kang manira ng relasyon ng iba. Kasi di nila deserve na masira. Hayaan mong maging masaya sila sa taong mahal talaga nila. Wag selfish. Be selfless and learn to let go of someone and something that doesn't belong to you anymore.
Never shall we sink! 💚💚💚
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
FanficThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.