Ano ba naman to? Di pa nga nagiging okay problema namin, eto na naman may isa. Di ma contact si Yeye tapos di din ma contact ni Kim si Mela. Sana naman okay lang sila kasi kung may mangyaring masama kay Yeye di ko talaga mapapatawad sarili ko. -(Ara na sobrang nag aalala habang nagmamaneho).Buti nalang hinatid yung sasakyan na ginagamit ni Ara sa school nila, nung minsan dumalaw parents niya sa kanila ni Mika ngayong nag OJT sila kaya may nagagamit si Ara pag weekend pag nagpupunta siya at si Kim sa Boarding House nila Mika.
"Uy Ara, dahan-dahan naman" (si Kim na nabigla dahil muntikan ng maka bangga si Ara ng batang tumatawid dahil sa bilis mag drive)
"Sorry Kim. Nag-aalala na kasi ako sobra eh. Baka anu na nangyari dun"
"Alam ko dahil nag-aalala na din ako pero dahan-dahan pa din. (Si Kim na pilit kinakalma ang sarili)
After an hour, nakarating na sila sa Boarding House nila Mika.
"Uy Ara hija. Naku, wala sa loob si Mika at Mela eh. Kanina pa ako nag do.doorbell pero walang lumalabas. Ayaw ko din naman pumasok kahit mat extra key ako kasi baka mamaya may mawala sa loob" -Landlady nung Boarding House nila Mika
"Ganun po ba? Sige po ate. May extra key din naman po ako dito. Okay lang pumasok kami" (tanong ni Ara)
"Oh sige pumasok nalang kayo kung may extra key ka diyan."
"Sige po ate. Salamat po."
Opo. Pwede po sila makapasok kasi si Mela at Mika lang naman sa isang bahay, kaya ayos lang na magpapasok ng mga kilala nila. Tapos kilala na naman nung Landlady sina Ara dahil nga every weekend nagpupunta sila dito.
Pagka pasok nila Ara ng Boarding House, agad nila pinuntahan kwarto nung dalawa tapos okay naman, naka ayos mga gamit, nakaligpit, yung hindi naman nagmamadali sa pag-alis tapos nakita ni Ara yung phone ni Mika na nakalapag sa higaan niya.
Pagka labas ni Ara, napaupo nalang siya sa sala sabay sabi "Kaya naman pala di sasagot, naka off na. Iniwan pa. Yung kay Mela, iniwan niya din ba?"
"Ou eh. Nakalapag lang sa mesa niya sa kwarto, naka off pa."
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
FanficThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.