Chapter 3

207 20 4
                                    

Chapter 3

KANINA pa nakatulala si Nadia sa harap ng vanity mirror. Suot na niya ang pastel yellow dress na bumagay sa maputi niyang porselanang balat. Lumitaw ang maliit at matangos niyang ilong sa light make up. Nakalugay naman ang tuwid at kulay kape niyang buhok na lumalagpas sa balikat.

"Nadia?" silip ni Syrus mula sa nakaawang na pinto. "We need to go now. Hindi ka dapat ma-late sa competition."

Malalim ang naging buntong-hininga niyang tumayo at sumunod sa manager. Nasabihan naman na siya sa mga gagawin ukol sa True Beauty. Ngunit nilalamon pa rin siya ng kaba. Makikita na ulit siya sa TV, muli siyang mapapanood ng mga tao. Masaya siya na may tumanggap sa kaniya pero malaki ang pag-aalala niya na baka bumaba ang ratings ng network at stock price ng kompanya dahil sa appearance niya.

Hindi naman siguro magtatagal sa kaniya ang focus ng camera. Hindi naman siguro siya kukutyain sa kompetisyong ito. Tungkol naman sa natural na ganda at hindi sa acting. Paulit-ulit niya iyong tinatak sa isip, pinapakalma ang sarili hanggang marating ang quarters ng NA Cosmetics.

"Oppa," bulong ni Nadia nang mapansing aalis ang manager. "Saan ka pupunta? Huwag mo kong iwan. Wala akong kakilala rito."

"Pinapatawag ako ni Mr. Cervantes, 'yong CEO ng cosmetics company na 'to. Pumasok ka ro'n," turo niya sa nag-iisang opisina sa dulo ng hallway. "Nando'n ang mga kasama mo sa competition."

"Ano namang gagawin ko ro'n? Hindi ba ko pwedeng sumama sa'yo?"

"Doon kayo pinapatipon kaya sumunod kana lang. Babalikan din kita."

Wala nang nagawa ang aktres nang tumalikod ito at mabilis na naglakad palayo. Nagtuloy na lamang siya sa paglalakad at nakangusong pumasok sa nasabing silid. Nadatnan niya roon ang tatlong magagandang babae. Kahit nakaupo ay mahahalatang matatangkad din ang mga 'yon at slim. Marahil modelo.

Masaya silang nagkukwentuhan at nang makita siya ay binati siya ng mga ito. Hinintay ni Nadia na sabihin o banggitin nila ang tungkol sa scandal ngunit hindi iyon nangyari. Nagtuloy lamang ang mga ito sa kwentuhan. Lihim siyang napangiti. May mga tao pa palang hindi interesado sa kumalat na scandal.

Umupo siya sa sofa at kumuha ng magazine upang aliwin ang sarili. Dumaan ang kinse minuto ay wala pa rin ang manager niya. Nagtataka siya pero binalewala niya rin dahil baka matagal ang naging usapan nila.

"Wazzup, emoji?" nakangiting bati ng isang babae saka naupo sa tabi niya. Napaamang siya sa gulat pero napalitan din ng pagkamangha nang masilayan ang maganda nitong mukha. Baby face at short hair. "I'm a fan of yours."

Nagtataka siyang tumitig sa babae. "Ako po ba ang kinakausap mo?"

"Yes. Nadia Patterson, right?"

Nahihiya siyang ngumiti. "Kilala mo pala ako."

"Solid fan mo kaya ako!"

"Thank you." Bahagya niyang hinawi ang buhok. Hindi niya akalain na may natitira pa pala siyang fan. Hindi na rin kasi niya tinitignan ang social media kung saan nagkalat ang fans club niya dati. "Anong pangalan mo?"

"My name is Smile Ortega." Nilahad niya ang kamay at nag-shake hands sila.

Muli siyang namangha dahil mula nang pinanganak siya ay ngayon lang siya nakakilala ng babaeng may gano'ng pangalan. Cute na nga, maganda pa.

"Nice to meet you, Smile." Ngayon lang din siya nakakilala ng fan niya sa personal.

"I heard you want to cast in the drama of the famous scriptwriter."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now