Chapter 15

191 16 13
                                    

Chapter 15

"OPPA!" simangot ni Nadia. "I'm so stupid!"

Napabuntong-hininga si Syrus dahil maraming beses na iyong inuulit ng dalaga simula nang sunduin niya ito hanggang makarating sa condo unit. Hindi na niya alam ang marapat na reaksyon dahil wala naman siyang ideya kung ano ang nangyari.

"Kung sana kinukwento mo sa akin, eh 'di may maco-comment ako."

"Oppa." Ngumuso siya. "Nahahawa na yata ako sa pagiging judgemental mo."

"Wow, grabe ka naman sa akin. Sa tagal na nating magkaibigan at magkasama sa showbiz, ngayon mo lang ako siniraan ng ganiyan."

"Hindi kita sinisiraan. I'm just stating the fact."

"Fact it!" biro niya. "Hindi judgemental ang tawag do'n. Magaling lang kumilatis ng tao."

"Gano'n na rin 'yon. Isali kaya kita sa Eat Bulaga? Do'n sa segment nilang Bawal Judgemental."

"Aba, hindi ako tatanggi. Exposure rin 'yon."

"Oh, 'di ba mukha ka ring pera."

"Langya ka!" tawa niya. "Pero namiss ko 'yang banat mong jokes."

"Nature ko na 'yon kaya nga laman ako ng romantic comedy drama."

"Sige na, mauna na ko. Maaga pa ko bukas. Mag-lock kang mabuti ha?"

"Yes, oppa."

Habang kumakain ng dinner, nakatabi sa kaniya ang script ng Law of Love at binabasa ang bawat eksena. Halos sumakit ang tiyan niya katatawa dahil sa pagkainosente ng main lead sa pag-ibig. Lalo na kapag magkasama sila ng lalaking transferee.

"Kaya gustong-gusto kong gampanan 'to eh."

Natigil din siya nang maalala ang nangyari kanina. Kakaiba ang tingin sa kaniya ni Shadow kaya naisip niya na baka makahalata itong mali ang pagkakilala niya kay Snow. Hindi naman kasi niya akalain na may kapatid pala siyang babae. Hindi sumagi sa kaniya ang family background nito dahil natabunan ng pagkamangha sa yaman at kinabibilangang clan ng binata.

"I admire his kindness," nangingiting aniya. "Hindi sila magkadugo ni Snow pero tinuring pa rin niya itong parang tunay na kapatid. Grabe."

Nang sabihin ni Snow na si Shadow na ang tumayong kuya mula nang isilang siya, nangangahulugan lang 'yon na ang binata ang nag-alaga at nagtustos sa kaniya hanggang paglaki. What a responsible, good and handsome guy. And now, that's her ideal type.

But there's still something that holding her back. "His top secret."

Bago matulog, naisipan niyang i-text si Smile kahit nasa Germany ito. Gusto niya lang malaman ang pagkakakilala nito sa abogado.

"Oppa?" ngiwi ni Shadow nang makauwi. "Tss."

"Oppa means an older brother," natatawang sambit ni Snow. "It is used when girl is calling an older man who she trusts. Kaya 'wag kang masyadong affected."

"Affected?" sabat ni Rocket. "Nagseselos kamo." Saka siya malakas na tumawa.

"Shut up." Sinamaan niya ito ng tingin. "Magpaka-busy ka nga ro'n." Naiinis siya dahil naalala niyang crush ni Nadia si Rocket. Nadismaya siya, lalo na't kaibigan niya ito. Talagang nasabi rin ng dalaga na gusto pa niyang ma-meet si Rocket.

"Bro, one week ang break ko. Katatapos lang namin i-shoot ang season one ng drama ko. Pero may fan meeting ako this weekends."

"I don't care. Get out of my face."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now