Chapter 18

190 19 19
                                    

Chapter 18

LALO pang napangiti si Nadia nang makita ang pink tumbler sa ibabaw ng table niya. Personalized 'yon dahil nakaimprenta ang pangalan niyang Nadine Alexia. Kinuha niya ang nakadikit na note sa tabi niyon at binasa. Have some latté. Good morning.

Muli niyang nilingon si Shadow. Alam niyang siya ang nagbigay niyon. "Thank you."

Ngumiti lamang ang abogado at inspired na bumalik sa trabaho. Pakiramdam niya ay matatapos niya lahat ng dapat gawin ngayong araw. Ginanahan siya sa matamis na ngiti ng dalaga.

Tuwang-tuwa namang umupo si Nadia at marahang binuksan ang takip niyon. Inamoy niya ang mainit pang kape at humigop. "Ang sarap naman." Lasang pagmamahal.

Ano kayang pumasok sa isip niya at binigyan siya nito? Talagang pink pa na paborito niya. Hindi niya maiwasang kiligin. Dapat na ba niyang isipin na may gusto ito sa kaniya? Hindi ba't ganito magpahiwatig ang mga lalaki? Pabigay-bigay ng regalo hanggang magkaaminan at maging magkarelasyon. Ngayon lang siya natuwa sa salitang girlfriend. Gusto na niyang iyon ang role niya sa buhay ni Shadow.

"May batas ba ukol sa pag-ibig?" bulong niya saka nagsimulang magtrabaho. "Wala naman sigurong Republic Act chuchu."

Masaya niyang binuklat ang lecture sa Succession. Subject din daw 'yon ng third year ADMU law students. Naging interesante siya dahil tungkol 'yon sa mga tagapagmana. Nakadetalye ang evaluation of the law on testate and intestate succession, including wills, institution of heirs, computation of legitimes of compulsory heirs, disinheritance, and partition and distribution of the estate. Nalula siya dahil yaman, posisyon at tagumpay ang pinag-uusapan.

Nang maubos ang kape ay pinakatitigan niyang muli ang tumbler. It's so cute. Naisipan niyang iikot 'yon hanggang magawi ang tingin sa ilalim niyon. Gano'n na lang ang gulat niya nang masilayan ang nakaukit na pangalan doon ni Shadow. Matamis siyang ngumiti, kinikilig na naman. He's sweet.

Kumatok ang record clerk at pumasok upang iabot ang papel. "Pakibigay po kay Attorney Shadow. Matagal na po niyang hinahanap 'yan. Pa-check na rin po since ina-allow kana niyang itama ang iba r'yan. Salamat, Ms. Nadia."

Para siyang sasabog sa tuwa. Hindi niya akalain na gano'n na kalaki ang tiwala sa kaniya ng abogado. Dati ay pinapagalitan pa siya nito dahil bida-bida siya sa pagtatama ng ibang words. Pero ngayon ay hinahayaan na siya nito ngunit naroon pa rin ang paggabay. Kaunti na lang talaga iisipin kong gusto na niya akong jowain.

Sumeryoso rin siya at sinimulang i-check ang dokumento. Inspired siya kaya natapos niya agad. Inayos niya pa muna ang sarili bago pumasok sa opisina ng abogado.

"Here," lahad niya sa papel. "Done double checking."

Shadow scanned every word. "Good job."

"Thank you."

Aalis na sana siya nang mapansin ang pink tumbler sa table nito. "Meron ka rin?" Nakaimprenta rin ang pangalang Shadow sa harapan niyon.

"Yeah."

"Bakit pink din? Hindi ba't hindi gusto ng mga lalaki ang gano'ng kulay?"

"Dahil favorite mo." Ngumiti ang abogado. "Para terno tayo." Sa katunayan, ngayon niya lang ginusto ang pink dahil nga gusto 'yon ng dalaga.

Nakagat niya ang labi, pigil ang pagtili sa kilig. "May laman pa 'yan?"

"Naubos ko na. Bakit? Nabitin ka ba sa latté? I can buy you again."

Mabilis na umiling si Nadia at kinuha ang tumbler nito upang baliktarin. Gano'n na lang muli ang gulat niya nang makitang nakaukit ang pangalan niya roon.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now