Chapter 7

173 17 6
                                    

Chapter 7

"NADINE Alexia." Gano'n na lang kabilis ang pagtayo ni Nadia nang marinig ang tinig ni Shadow. "I told you not to clean my desk, right?"

Umiling ang aktres. "Wala kang sinabi."

"Then you're not listening."

"Mabuti nga nilinis ko eh. Ang kalat kaya. Pinagsama-sama ko na rin 'yong papel bawat kaso."

"You still don't understand, huh?" Nag-igting ang panga niya. "I'm much more comfortable sa ayos ng table ko dahil nakikita ko agad ang hinahanap ko."

"Kasalanan ko?" Nakanguso pang tinuro ni Nadia ang sarili. "Tapos hindi ka magsasabi ng thank you?"

"Why would I thank you? Nawawala 'yong files ko."

Napaamang siya. "Nawawala?"

"See? You can't identify if something's missing or not."

"Ginalaw ko nga ang table mo pero wala akong tinatanggal d'yan."

"Isang oras na kong naghahanap, Nadine Alexia. Wala talaga dito ang file na 'yon."

"Tungkol ba saan 'yon?"

"Battery."

"Battery ng cellphone?"

Napapikit si Shadow. Ito na nga ba ang sinasabi niya kay Sebastian kung bakit ayaw nitong magkaroon ng secretary o kahit assistant man lang. Lalo na kung walang alam sa batas. Nahihirapan na nga siya sa mga patong-patong na kaso, ganito pa ang OJT niya.

"In criminal law, it's a physical act that results in harmful or offensive contact with another person without that person's consent."

"Sa Tagalog?"

"Bugbog." Tinaliman niya ito ng tingin. "Go back to your work."

"Ako na maghahanap."

"No, thanks. Lalo ko lang hindi mahahanap 'yon."

"May mens ka ba?" Hindi na napigilan ni Nadia na magtaas ng boses sa inis. "At saka may problema ka ba sa mga babae?"

"What you just said is not helping. Just go back to your post."

"Ang bait ng mukha mo pero papalit-palit ka ng ugali."

Natigil sa ginagawa si Shadow. "This is my attitude towards work so if you can't handle it, then give up."

"Give up?" Doon na kumulo ang dugo ng aktres. "Wala sa bokabularyo ko 'yon. Mabait ako sa lahat pero kung sa'yo, bigla akong nagiging masama."

"You know what?" buntong-hininga niya. "Hindi ko talaga mahahanap ang file na winala mo kung mananatili ka rito sa office ko."

"Hindi ko 'yon winala. Wala akong kasalanan." Saka siya umirap at padabog na lumabas.

"That woman..." Nahilot ni Shadow ang sentido. "Tss."

"Hi, Nadia!" nakangiting bati ni Lou at kumaway pa. "Dinner tayo mamaya?"

Tila walang narinig ang aktres at tuloy-tuloy lamang na naglakad hanggang makapasok sa pantry.

"Anong nangyari ro'n?" takang sambit ni Nisse. "Parang badtrip na naman?"

"Syempre nag-away ulit sila ni Shadow," nakangiwing sabat ni Jim. "One week na nga eh."

"Sa lahat ng empleyado ng Heinrich Law Firm, si Atty. Shadow Heinrich ang pinakamabait," kunot-noong pag-aanalisa ni Lou. "Kaya nakapagtataka na naiinis sa kaniya si Nadia."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now