Chapter 30

221 14 14
                                    

Chapter 30

MATAPOS maligo at magbihis ay kinuha ni Nadia ang script upang kabisaduhin ang kaniyang linya. Pumikit pa siya at huminga ng malalim upang bigkasin iyon sa isip. Naibuga niya rin ang hininga nang mapagtantong sweet lines 'yon para sa male lead.

"Miss na miss ko na si Shadow," nakangusong aniya, mabigat ang loob. "Si daddy naman kasi eh."

"Yah! Nadia!" bulyaw ni Syrus mula sa kaniyang kwarto. Inaayos niya ang dadalhing gamit ng aktres sa shooting. "Nasaan ang brush mo? Iyong heels mong may glitters? Saka 'yong hairclip mo? Bagong bili lang 'yon."

"Nand'yan lang sa drawer, oppa. Pakihanap na lang. Pinamigay ko na 'yong glittery heels. Masikip na sa akin eh."

Sinara niya ang script at sinilid sa bag. Kinuha naman niya ang bote ng gamot saka pabuntong-hiningang umupo sa couch. Binasa muna niya ang label niyon at inosenteng nilabas ang lahat ng laman niyong tablet.

Saktong paglabas ni Syrus ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang itsura ng dalaga. "No, Nadia! No!" Binaba niya ang duffle bag at mabilis na inagaw ang bote. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Alam kong nasasaktan ka dahil dalawang buwan na kayong hindi nagkikita ng fiancé mo pero huwag namang aabot sa ganito! Nadia! Magkikita pa kayo! Ikakasal pa kayo! Ano ba!"

"Oppa." Nangunot ang noo ni Nadia. "Ano bang sinasabi mo? At bakit paiyak kana?"

"Bakit mo ba kasi iinumin 'to?! Delikado! Pwede kang mamatay!"

"Oppa, vitamins 'yan. Recommended 'yan ni Doc Heaven, iyong kaibigan ni Shadow."

"Huh? Vitamins?" Sinuri niya ang bote saka napatingin sa kamay ng aktres. "Eh bakit marami ang iinumin mo?"

"Nakalagay d'yan sa label. 30 pieces daw."

"Nadia, 30 pieces ang laman ng isang bote." Tinagilid niya 'yon at tinuro ang nakaimprentang instructions. "One tablet a day lang."

"Ah," tango niya. "Okay." Nangingiti niyang binalik ang iba at ininom ang isa. "Aalis na ba tayo?"

"Kaugali mo talaga ang ginagampanan mong character," natatawang bulong ni Syrus saka muling binitbit ang gamit. "Tara na."

Habang nasa byahe, nakatingin lamang sa labas ng bintana si Nadia at iniisip ang nobyo. She wants to see him. And she wonders how he's doing right now. She hopes daddy Nathaniel won't do anything that make him tired and exhausted. She misses his voice.

Pagdating sa university kung saan ang shooting venue ay agad na pinasuot kay Nadia ang black toga at black graduation gown. Ito na ang huling scene na gagawin nila para sa love serye. Kinulot ang dulo ng buhok niya at ni-retouch ang make up.

"Nadia?" mahinang usal ni Syrus nang lapitan ang dalaga sa dressing room. "Tanggalin mo na 'yan."

"Ang alin?"

"Iyang wedding ring mo."

Napaamang siya. "Bakit?"

"Pinapatanggal ng director dahil kitang-kita sa camera."

"Oppa, nakaabot ako sa punto ng serye na 'to nang hindi tinatanggal ang singsing ko." She doesn't want to remove it, even temporarily. She cherished it a lot.

"Dahil pinayagan ka nila dati. Pero ngayon, nakikiusap sila na tanggalin mo. Ifo-focus ang camera sa kamay niyo ni Tyron mamaya."

"Oppa, alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang singsing na 'to. Ayaw ko. Hindi ko tatanggalin."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now