Chapter 29

218 15 15
                                    

Chapter 29

"TRACK Conall's men," kunot-noong utos ni Shadow. "Nasa kulungan na siya pero gumagalaw pa rin ang mga galamay niya."

"Kulong o patay, boss?"

"Pinaghahanap na ng mga pulis ang hideout ng sindikato nila. Mas maganda kung kayo na mismo ang magdala sa kanila sa presinto at ipakulong. Pero kung may naging pasaway, wala akong pasensya." Nag-igting ang panga niya sa galit nang maalala ang bomba na dinikit sa pakpak ng eroplano. "Patayin niyo agad."

"Copy, boss."

"Sa susunod na tawag niyo sa akin, dapat wala nang problema at malinis na ang lahat." Mariin niyang tinitigan ang mga ito. "No Conall. No Jim. No Garton syndicate. Get rid of everything that can harm my girlfriend." He'll do anything just for her safety. He doesn't want to see her fears and trembling knees anymore.

Mabilis na sumaludo ang mga tauhan niya at umalis.

"What about the Heinrich Law Firm?" turan ni Rocket saka binuhat ang basket ng pinya. "Hindi ka muna papasok sa trabaho?"

"Si Kuya Seb muna ang bahala ro'n. Besides, nabalita rin naman na buhay ako matapos ng plane crash. Kailangan kong magpahinga." Saka niya tinuro ang ulo na may benda pa rin.

"O baka naman kailangan mong magpa-impress sa daddy ni Nadia?"

"Hiniling ni Tito Nathaniel na mag-stay ako rito sa Tagaytay."

"Alam ko na 'yan, bro," tawa nito. "Pahihirapan ka niya. Unica hija niya si Nadia. He wants the best for her."

"Am I not the best?"

"Syempre, best! Ikaw pa ba? Kung hindi ka nga lang marunong pumatay, iisipin kong baka maging anghel ka sa sobrang kabaitan mo."

Napapailing na binuhat ni Shadow ang isa pang basket ng pinya. "Tss."

"Bro, hindi ko akalain na makakasakay ulit ako ng tricycle after several years!" Tuwang-tuwa siyang naupo roon. "Ako na ba ang magmamaneho?"

"Sigurado ka ba talagang sasama ka sa akin? Artista ka, Rocket. Paniguradong makikilala at pagkakaguluhan ka ro'n."

"Bro, advantage mo nga na kasama mo ako eh."

"Baka disadvantage," ngiwi ni Shadow. "Magugulo ang diskarte ko sa pagbebenta ng pinya."

"Nakalimutan mo yata na endorser ako ng Del Moreno juice? In just one hour, sold out lahat. Kaya wala pang isang oras, mabebenta natin ang pinya na 'to."

"Seriously? Gagamitin mo 'yang mukha mo nang walang talent fee?"

"Why not? First time lang 'to. Gagamitin mo rin ang iyo. Ano pang silbi ng kagwapuhan natin?"

Muli na lamang napailing si Shadow saka sumakay na sa tricycle. "Tara na."

MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Nadia. Halos lundagin niya pababa ang kama nang hindi makita sina Snow at Lyric. Sila ang kasama niya sa kwarto habang nakahiwalay naman ang mga lalaki. Nagtataka siyang lumabas at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Tanghali ka pa rin kung gumising," naiiling na entrada ni Nathaniel habang tinatanggal ang suot na gloves. Naghalaman na naman ito. "Ganyan din ba ang gising mo kapag may shooting ka?"

Love in ShadowWhere stories live. Discover now