Chapter 4

191 15 4
                                    

Chapter 4

NAKALIGO at may make up na si Nadia ngunit kanina pa siya paikot-ikot sa walk-in closet dahil hindi siya makapili ng susuotin. Humugot siya ng white dress at tinapat sa kaniya ngunit napangiwi siya nang maisip na mukha siyang sisimba. Kinuha naman niya ang red dress pero agad din niyang binalik nang mapansing para siyang pupunta ng bar.

"Kailangan presentable at maganda," nakangiting bulong niya at muling sumubsob sa cabinet. "Ito na lang kaya?"

"Hindi ka pa rin tapos?" Nahilot ni Syrus ang sentido nang silipin ang aktres. "Grabe, Nadia. Damit lang 'yan."

"Tulungan mo kaya ako." Kinuha niya ang neon pink off shoulder dress at nakangiting humarap sa salamin. "Pretty."

"No, Nadia. No." Inagaw ni Syrus ang damit ang binalik sa cabinet. "Masyadong bright. Masakit sa mata."

Ngumuso si Nadia. "Eh ano ba?"

"Piliin mo 'yong lilitaw ang kagandahan mo pero disente pa rin. Babalik na ko sa kotse, hintayin kita ro'n."

Tumango na lamang ang aktres at muling namili ng damit.

ANG pinakamagaang dumating sa Heinrich Law Firm ay si Jim at may dala pa siyang bouquet of flowers. Napapailing na natatawa na lang ang mga katrabaho niya, lalo na sa ka-close niyang sina Nisse at Lou.

"Para saan 'yan?" kunot-noong usisa ni Sebastian nang dumating. "Nililigawan mo ba si Lou?"

Nagtawanan ang lahat habang napangiwi naman si Jim. "I bought this for Ms. Nadia Patterson."

Tumango ito. "Si Shadow?"

"Nasa office niya po."

Malalim ang naging buntong-hininga ni Shadow nang sulyapan ang wrist watch. "She's late."

Pagdating sa trabaho, istrikto siya sa oras. Bawat segundo sa loob ng isang minuto ay mahalaga. Lalo na sa uri ng kanilang trabaho. Kaya isang oras bago ang actual time start siya pumapasok. Hindi katulad ng aktres na isang minuto nang late. Doon pa lang ay inayawan na niya ang isa sa mga ugali nito.

"Patterson..." he whispered as he searched her name again on the site. One familiar word caught his attention. "Goddess of beauty?"

Tinitigan niya ang litrato ni Nadia. Nangunot din ang noo niya nang mapansing pamilyar ang kilay at buhok nito. Hindi niya lang matandaan kung saan o kailan niya nakita.

"She's here!" impit na tili ni Lou. "Come on, guys!"

Halos madapa pa ang mga katrabaho nila palabas ng kani-kaniyang opisina at nagtipon sa mismong harap kung nasaan ang logo ng firm. Nanatili lang sa isang tabi si Sebastian habang pinapanood sila.

Siya namang pagdating ni Nadia. Talagang nag-stand out ang ganda ng mukha at katawan niya sa suot na black longsleeves dress na umaabot sa kalahati ng hita. May nakapatong pang white fur shawl sa balikat niya habang nililipad ang mahaba at tuwid niyang buhok. Napanganga na lamang ang lahat sa kaniya.

Matamis ang ngiti niyang nang huminto sa kanilang harapan. "Good morning, I'm Nadia Patterson."

Nanatiling nakanganga sa kaniya ang mga lalaki habang nakatitig ang mga babae, inaalam kung totoo nga ba ang kanilang nakikita.

"Hi, good morning." Unang nakabawi si Jim at agad na binigay ang bulaklak. "Welcome to HLF."

"Thank you. I didn't know na ganito pala kayo mag-welcome rito." Saka siya bumungisngis.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now