Introduction

541 23 6
                                    

HER heart is pounding so fast. Two years after her scandal with a well-known businessman, this is the first time she will make an appearance with media. Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang loob ni Nadia na nasira ang acting career niya dahil doon.

Hindi naman dapat siya mahiya dahil hindi naman nila alam ang totoong kwento ngunit iyon pa ang nararamdaman niya ngayon, tila wala siyang mukhang maihaharap sa maraming tao. Lalo na't siya pa ang lumabas na masama.

"Nadia?" pukaw ni Syrus Park, ang half-Korean niyang manager. "Kailangan na nating lumabas."

Nanatiling walang kibo si Nadia habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kanina pa nakahinto ang sinasakyan nilang van sa harap ng Supreme Court subalit hindi pa rin sila bumababa. Halo-halong emosyon ang umiiral sa kaniya ngunit alam din niyang kailangan itong harapin. Hindi siya magpapatalo sa mga negatibong sinasabi ng iba.

"I'm ready," seryosong sambit ni Nadia saka huminga ng malalim. "I can do this."

"Wait," kunot-noong pigil ni Syrus. "Bakit ang gulo ng buhok mo?"

"Oppa," saway niya nang akmang tatanggalin ang pagkakapusod niyon. "Wala na kong pake kung makita nila ako sa ganitong estado."

"But you're Nadia Patterson! The goddess of beauty, the modern Aphrodite of the Philippines!"

Malalim ang naging buntong-hininga niya at ngumuso. "Bahala na."

Gano'n na lang ang gulat ni Syrus nang magsuot ng shades si Nadia at mabilis na bumaba. Agad siyang sumunod sa artista na mahigit sampung taon na niyang alaga. Pumwesto siya sa likuran nito upang proteksyunan.

Nang makita ng media ang pagdating ni Nadia ay mabilis na nag-flash ang camera. Dagsa ang mga showbiz reporters na lumapit sa aktres. Mabuti na lang ay may bodyguards na pinadala ang kaniyang entertainment agency kaya naging maayos ang kaniyang paglakad. Ngunit sa kabila niyon, iba't ibang tanong ang binabato sa kaniya.

"What's your relationship with the son of Garton Corporation?"

"Why did you sleep with him?"

"Are you also taking drugs?"

Sumikip ang dibdib ni Nadia sa tanong na 'yon subalit hindi siya kumibo at nanatiling deretso ang tingin.

"Is it true that he's your fan?"

"Do you have feelings for him?"

"Say something, Ms. Patterson. We need the truth."

Truth? Malungkot siyang ngumiti sa isip. Kahit naman sinabi na niya ang totoo, walang naniwala sa kaniya. Sarado ang kanilang isip dahil makapangyarihan ang businessman na 'yon. Wala siyang laban.

At ano pa ba ang aasahan mo sa Pilipinas? Kapag babae ka at nakitang may kasama kang lalaki sa isang hotel, bibigyan na nila iyon ng kahulugan nang hindi inaalam ang totoong istorya.

"Do you think it's a frame up?"

"If yes, where's your proof?"

Natigilan si Nadia, namuo ang luha sa mga mata na lalong nakapagpabigat ng kaniyang loob.

For once, I want to disappear. If impossible, I want to hide in a place that there's an absence of light. Like a shadow.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now