Chapter 16

172 19 16
                                    

Chapter 16

"SIGURADO ka ba talaga na hindi mo ko isasama?" kunot-noong sambit ni Syrus. "Baka may makakilala sa'yo at pagkaguluhan ka. Tapos kakalat na naman ang pictures mo sa social media."

"Oppa," mahinang sambit ni Nadia habang naglalagay ng make up. Light lang para hindi halatang artista siya. "Ilang beses na kong lumabas during work hours sa law firm para pumunta sa korte. Pero wala kahit isang nakakilala sa akin. Partida pa na nagtaxi ako 'no." Naniniwala siya na effective ang disguise niya.

"Nag-aalala pa rin ako. Iba na ang panahon ngayon."

"Sa mall lang ako pupunta. Maraming security do'n. Isipin mo na lang na may signing event ako. Like before."

"Pero fan meeting 'yon ni Rocket Heinrich. For sure maraming tao."

"Syempre naman," tawa niya. "Maraming fans si Rocket eh."

"Bahala ka nga. Tumawag kana lang kapag nasangkot ka sa gulo."

"Hindi 'no." Nangunot ang noo niya. "At teka lang, inis pa ko sa'yo dahil kung hindi ko nakausap si boss Yale, hindi ko malalaman na ikaw muna ang temporary manager ni Jerah ngayong araw. Sinikreto mo pa sa akin. Psh."

"Hindi naman sa gano'n. Ayaw ko lang sumama ang loob mo dahil magkaaway nga kayo 'di ba?"

"Siya lang ang umaaway sa akin. Hindi ako pumapatol."

"Alam ko. Sobrang bait mo kasi," lambing pa nito. "Akin na nga 'yang hairclip." Maingat niya iyong inipit sa buhok ng aktres. "Ganda mo talaga."

Ngumiti si Nadia. "Makikilala kaya ako ni Rocket?"

"Naku, 'wag kang magpakilala. Baka marinig ng iba."

"Oppa naman," nguso niya muli. "Paano niya isa-sign 'tong binili kong album kung hindi ko sasabihin ang name ko?"

"Eh 'di gaya ng dati, Aphrodite ang sabihin mo."

Habang nasa byahe, hindi mapakali si Nadia. Kinakabahan siya dahil magmula nang maging crush niya si Rocket, ngayon lang niya makikita ito ng personal. Dati kasi ay busy siya sa mga shooting at guesting sa TV kaya walang time dumalo sa events ng aktor. Pero ngayong may pagkakataon na siya, kailangan niyang sulitin.

Suot ang shades at face mask, pumasok siya sa mall. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga upang kumalma hanggang marating ang sentro kung saan naroon ang stage at may mga harang na exclusive para sa fans.

Nadatnan niyang nagsisimula na ang fan signing event at halos mapanganga siya nang tuluyang masilayan si Rocket. Gwapo, singkit at isa sa mga nagustuhan niya ay ang pula nitong buhok. Siya lang kasi ang may kayang dalhin ang gano'ng kulay.

"Next, please."

Gano'n na lang kalakas ang kabog sa dibdib niya nang lapitan ang aktor. Napapalunok niyang binigay ang album at tumulala sa maaliwalas nitong mukha. Grabe, walang kupas ang gandang lalaki niya.

"What's your name, beautiful?" ngiti ni Rocket. "I'll write it here."

"Aphrodite."

Mabilis na nag-angat ng tingin ang aktor. "Aphrodite?" Tinabingi pa niya ang ulo, nilapit ang mukha sa dalaga at bumulong, "You mean, Nadia Patterson?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Paano mo...nalaman?"

"I knew it," ngisi nito. "Malayo ka palang, alam kong ikaw siya."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now