Chapter 13

177 18 11
                                    

Chapter 13

"ACCORDING to his family, walang kaaway ang biktima. Mabait at maalalahaning asawa raw ang gwardya natin," pahayag ng investigator ng Heinrich Law Firm. "Kaya hindi nila matanggap na namatay ito nang gano'n lang."

Tumango si Shadow. "I am convinced now."

"Something's bothering you," Sebastian said. "Tell me."

"The CCTV footage." Titig na titig si Shadow sa mga impormasyong nakalap ng investigator sa dalawang araw nitong pamamalagi sa labas. "May itim na kotseng pumarada limang metro ang layo sa guard post. Sigurado akong nasa loob no'n ang suspek pero wala namang nagbukas ng bintana."

"Posibleng pinarada lang ang kotse ro'n at umiba ng pwesto ang salarin para hindi mahagip ng camera."

Umiling ito. "Walang bumaba sa kotse ng halos trenta minuto."

"Pero sakto 'yong time frame sa krimen. Ang pagbagsak ng gwardya ay siya ring pag-alis ng itim na kotse."

"I checked the car's number plate," sabat ng investigator. "Pero unregistered 'yon."

"Unregistered talaga dito sa Pilipinas dahil mula 'yon sa ibang bansa." Sigurado si Shadow dahil iyon din ang kotse ng tatlong armadong lalaki na nakalaban niya. Maaaring nasa tatlo ang salarin ngunit hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga itsura niyon.

Napaamang si Sebastian. "They're rich, huh?"

"Pero wala pa ring sapat na dahilan para patayin ang gwardya. Pwera na lang kung may atraso ito sa kanila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maaaring humiram ng pera ang biktima at hindi nakabayad." Nangunot ang noo niya. "Pero hindi ako kumbinsido na iyon ang dahilan."

Tumango ang investigator. "Wala din naman daw pinagkakautangan ang pamilya nila."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo at bumuntong-hininga. Mahihirapan sila sa kasong ito.

"I haven't seen Nadia," kunot-noong linga ni Sebastian. "Where is she?"

"I ordered her to personally send documents in court."

"Really?" ngiti pa nito. "She's improving, huh? That's good."

"Yeah. I taught her well."

Maloko pa itong ngumisi. "And you look happy."

"Tss," asik ni Shadow, tinatago ang ngiti. "Bumalik kana nga ro'n."

Napawi ang kaba ni Nadia nang sabihin ng clerk na maayos na ang dokumento at nasa proseso na upang makarating sa judge. Mahigpit ang hawak niya sa balabal hanggang makalabas. Natutuwa siya nang ma-accomplish niya ang task nang walang kahit na sino ang nakakilala sa kaniya. I'm proud of myself.

"Oh, Nadia," nakangiting lapit ni Jim sa kaniya. "Nandito ka pala."

"Oo, may inasikaso ako. Ikaw ba?"

"Aattend ako ng trial for my client."

"Sa divorce ka 'di ba? Sino ang client na 'yon?"

"Si Jerah. Iyong ka-close mong artista sa showbiz."

"Ka-close?" ngiwi niya. "Hindi 'no." Agad din siyang napatakip sa bibig. "Pero hiwalay na sila ng asawa niya? Bakit? Paano?" Kasing edad lang niya 'yon pero maaga inasawa ang boyfriend na model.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now