Chapter 14

167 16 29
                                    

Chapter 14

MAGDAMAG hindi nakatulog si Shadow dahil sa mga natuklasan. Nanatili sa isip niya ang scandal, inaalam, inaanalisa kung totoo nga ba 'yon. Ngunit bandang huli, kahit ano pang sabihin ni Nadine Alexia ay agad niya iyong paniniwalaan. Malaki ang tiwala niya sa aktres.

"What the heck, bro?" natatawang bungad ni Rocket nang makita ang kaibigan. "Hindi pa man kayo pero mukha ka nang broken hearted."

Tinaliman niya ito ng tingin. "Shut up."

Lihim na natawa si Snow nang makita kung gaano kapuyat ang abogado at magulo pa ang buhok nito. "Overwork ka yata, kuya. Masama 'yan sa kalusugan."

"I'm fine." Sinuot niya ang necktie. "I gotta go."

Napailing si Snow. "Anong nangyari ro'n?"

"Nasaktan 'yon," ngisi ni Rocket. "Nalaman niya kasi ang scandal nina Nadia at Conall."

"Pero framed up 'yon. Hindi maniniwala si kuya ro'n."

"Kitang-kita ang galit sa mga mata niya. This is exciting."

Hinampas siya nito. "May problema na nga si kuya, natutuwa ka pa?"

"Can't you see the big picture of the situation? The last time he became like that was because of his love for Storm."

"You mean, lumalalim na ang pagkagusto niya kay Nadia?"

Matagal silang nagkatitigan at sabay na ngumiti, wala pa man ay masaya na para kay Shadow.

"Nadia?" mahinang usal ni Syrus habang nasa byahe sila. "May problema ba?" Kagabi pa niya napapansin ang pananahimik nito kaya nag-aalala siya.

Umiling siya. "Don't worry."

Nang madaan sa paboritong coffee shop ay nahagip ng tingin niya si Shadow. Nakaupo ang binata sa gilid, malapit sa daan kaya madaling matanaw. Ngunit ang mas nakapukaw ng atensyon niya ay ang babaeng kaharap at kausap nito.

"Lyric?" bulong niya at mas pinalinaw pa ang paningin. "Siya nga. Iyong babaeng nakilala ko kahapon." Napanguso siya. "Girlfriend ba siya si Atty. Anino? Paano si Snow?"

"Two-timer siya?!" gulat na sabat ni Syrus. "Naku, Nadia! Lumayo ka muna kay Atty. Shadow. Baka sa susunod ikaw ang target niya. Hindi imposible 'yon dahil ikaw ang goddess of beauty!"

"Hindi naman siguro. At saka 'wag ka ngang judgemental. Hindi pa natin alam ang totoo."

"So inaalam mo pala? Interesado ka sa kaniya?"

Umiwas siya ng tingin. "Hindi ah?"

"Bakit sa tono mo parang nagseselos ka?"

"Curious lang ako."

Tumaas ang kilay ni Syrus, inaanalisa kung iyon nga ba ang totoo. Pero bandang huli ay tumawa na lang siya para gumaan ang loob ng dalaga.

"Good morning, Nadia!" masiglang bati ni Jim nang makitang kadarating ng aktres. "Bawat pagdaan ng araw, lalo kang gumaganda."

Mahina siyang natawa. "Hindi naman pero salamat."

"At ang skin, glowing!" dagdag pa ni Nisse. "Perfect talagang maging artista."

"Hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi kung ano ang skin care mo," nakangusong anas ni Lou. "Products ba ng NA Cosmetics? E. S. Cosmetics?"

Love in ShadowWhere stories live. Discover now