Chapter 8

176 16 5
                                    

Chapter 8

"BOSS Yale!" magiliw na sambit ni Nadia nang makapasok sa office nito. "I'm here."

Napabuntong-hininga ito. "What do you want?"

"Finally, nagkita rin tayo. Ano bang ginawa mo no'ng nakaraan ha?" Ngumuso siya. "Hindi mo sinasagot ang calls ko."

"May conference meeting ako at dumalo rin ako ng monthly gathering ng lahat ng entertainment CEO. I'm really busy, Nadia."

"Psh," maktol niya saka naupo sa sofa. "Hindi mo man lang ako kinakamusta."

Tinignan ni Yale si Syrus. "Anong drama ng alaga mo?"

"Ewan ko ba, boss," kamot niya sa ulo. "Kinukulit ako niyan gabi-gabi para makausap ka."

Tumango ito. "Let's talk about it."

"May iba pa bang law firm na mapapasukan?" Kahit na nag-sorry naman sa kaniya si Shadow, pakiramdam niya ay mauulit 'yon at hindi niya alam kung makakaya pa niyang kontrolin ang inis.

"Bakit?" Nangunot ang noo ni Yale. "May problema ka ba sa HLF?"

Nag-alangan si Nadia na sabihin ang tungkol kay Shadow dahil totoo naman na mabait nga ito. Hindi niya lang talaga ma-handle ang pagiging istrikto nito. Mas malala pa kasi sa UP professor niya dati.

"Nirereklamo niya si Atty. Shadow Heinrich." Si Syrus ang sumagot. "Iyong top lawyer na mayaman at gwapo."

"Oppa," saway niya at pinanlakihan ito ng mata. "Bakla ka ba? Bakit gwapong-gwapo ka sa aninong 'yon?"

"Gwapo naman talaga 'yon," sang-ayon ni Yale kaya gano'n na lang ang pagsimangot ni Nadia. "At alam ko rin ang ugali niya. We met before."

Ngumuso si Nadia. "Nakakainis siya eh."

"Mabait 'yon. Pwera lang sa trabaho." Saka siya tumawa.

"Gusto kong lumipat ng ibang law firm."

"No, Nadia. Hindi pwede."

Napapadyak siya. "Bakit?"

"Wala na tayong ibang makukuhang law firm na papayag maging OJT ka."

"Meron. Ako kaya si Nadia Patterson."

"Pagkakaguluhan ka naman at hindi ka matututo ro'n. Unlike sa HLF, maraming mahuhusay na abogado at disiplinado pa. Besides, close friend ko si Sebastian. Mapagkakatiwalaan 'yon."

"Pero..."

"Hindi ba't hanggang ngayon, walang kumakalat na balita na roon ka nagtatrabaho? Ibig sabihin, hindi nila kinukwento sa iba ang presensya mo ro'n."

"Oo nga," segunda ni Syrus. "Kahit super fan mo si Atty. Jim, tikom ang bibig niya."

Napatango na lang si Nadia bilang pagsang-ayon dahil totoo naman talaga 'yon. Nagulat din siya nang mapansin na mahigit isang linggo na siya roon ay wala pang nakadidiskubre ng tunay na dahilan ng pagiging OJT niya. Maski ang guard ay hindi siya napapansin bilang artista dahil sa disguise niya. Safe siya sa law firm na 'yon.

"Bear with Atty. Shadow," ngiti ni Yale. "Three months ka lang naman do'n."

"At wala ka naman sigurong magiging boyfriend do'n 'di ba?"

"Oppa naman," tawa niya. "Wala 'no. Alam mong si Rocket ang type ko." Isang sikat na aktor at modelo si Rocket Heinrich sa Germany hanggang makaabot din sa Pilipinas ang kasikatan nito.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now