Chapter 12

171 17 25
                                    

Chapter 12

GANO'N na lang ang kirot sa dibdib ni Shadow nang masilayan kung gaano katakot si Nadine Alexia dahil sa pangyayari. Siya ang pinakainosenteng babae na nakilala niya kaya hindi na siya magtataka kung hindi ito sanay sa mga ganitong bagay. Marahil ay unang pagkakataon nitong makakita ng taong pinatay.

"Sshh..." Niyakap niya ang aktres. "It's okay, Nadine Alexia. I'm here. Keep that away in your mind. Calm down."

"Pero..." hikbi niya. "Nakausap ko lang siya kanina eh. Ang bait niya. Concern pa siya sa akin. Tapos..."

"You don't have to say it." Marahan niyang hinagod ang likod nito. "I know it's hard to forget it but try your best. You'll be fine."

Hindi tumugon ang dalaga at mas lalo pang lumakas ang iyak nito. Napapikit na lamang si Shadow saka bumuntong-hininga. She's so soft. And he likes soft girls.

Kakalas na sana sa yakap si Shadow ngunit mas sumiksik pa si Nadia sa kaniya. Ramdam niya ang matindi nitong takot kaya pinanatili na lamang niya ang ganoong posisyon. Hindi naman siya dapat ngumiti sa sitwasyon pero hindi niya maiwasan. Lalo na't kayakap niya si crush.

Ang ngiting 'yon ay napawi rin at napalitan ng kaba nang masilayan ang pagdating ng mga kasamahan niya sa trabaho. Nagulat ang mga ito sa kanilang dalawa pero sumenyas na agad si Shadow na huwag lumapit dahil umiiyak nga ang dalaga. Nginisihan naman siya ni Sebastian bilang panunukso at tumuloy sa pinangyarihan ng krimen.

"Bakit siya pa?" lumuluha pa ring sambit ni Nadia. "Mabait naman siyang tao."

"I know. Matagal na rin siyang nagtatrabaho rito sa law firm."

"Mabibigyan naman siya ng hustisya 'di ba?"

Nag-angat ng tingin si Nadia at hindi maintindihan ni Shadow kung bakit nasasaktan siyang makita itong umiiyak.

"Ikaw naman ang magiging lawyer niya, 'di ba?"

Tumango si Shadow at marahang pinalis ang luha nito. "Calm down."

"Mahuhuli mo ang gumawa sa kaniya no'n, 'di ba?"

Muling tumango ang binata at inakay si Nadia paupo sa harmony bench. "Stop crying. You'll be more like an innocent kitten."

"Nakakainis ka naman eh," maktol niya.

"I'm sorry, I'm just kidding." Tumayo siya ngunit natigil din nang hawakan ni Nadia ang kamay niya.

"Saan ka pupunta? 'Wag mo kong iwan."

"Give me a second. May kakausapin lang ako, okay?"

Pinisil pa niya ang kamay nito bago umalis. Lumapit si Shadow kina Nisse at Lou. "Take care of Nadine Alexia for a while. Mas maganda kung nasa office siya, malayo rito."

Mabilis na sumunod ang dalawa at pinuntahan ang aktres. "You must be startled. Let's go upstairs."

Tumango si Nadia habang inalalayan siya ng dalawa. Minsan pa siyang lumingon sa walang buhay na gwardya dahilan para lalo siyang maiyak.

"How's Nadia?" mahinang usal ni Sebastian nang tumabi sa kaniya si Shadow. "Is she alright?"

"Obviously not. She cried a lot." Nag-igting ang panga niya, hindi mawala sa isip ang pag-iyak ng aktres. "Tss."

Tumango si Sebastian at muling tinuon ang pansin sa gwardya. "Something's off."

"The suspect just used a gun with silencer that's why no one heard it," Shadow said, eyeing the victim. "And he or she actually did the crime in this public place."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now