Chapter 24

195 18 11
                                    

Chapter 24

NAALIMPUNGATAN si Nadia nang maramdamang may humahaplos sa kaniyang hita. "Shadow?" Kinusot niya ang mga mata. She knew that he won't do that to her unless she let him. There's respect at Shadow's core. So who's this guy?

"My Nadia."

Gano'n na lang kabilis ang pagbangon niya nang mapagtanto ang pamilyar nitong tinig. "C-Conall..." Binalot niya ang kumot sa sarili. "A-Anong ginagawa mo rito? 'Wag kang lalapit sa akin."

"I'm here to get you. Let's sleep together again, Nadia. Like before."

"H-Hindi..." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Hindi ako sasama sa'yo. Sinet up mo lang ako."

"Why?" Humakbang si Conall. "Because you have a boyfriend now? I don't think so." Kumibot ang labi nito, talagang hindi inaalis ang tingin sa aktres. "You're just using that guy to provoke me."

Mabilis na bumaba ng kama si Nadia at tumakbo palayo ngunit malakas siyang napatili nang mahuli ni Conall ang braso niya. Nanginginig ang katawan niya sa takot at ang mga tuhod ay nanghihina.

"B-Bitawan mo ko! Hindi ba sapat sa'yo na nasira na mo na ang buhay ko?" Bumagsak ang luha sa mga mata niya. "T-Tigilan mo na ko."

"I won't let you go, Nadia. Mahal na mahal kita."

Marahas na bumukas ang pinto, gano'n na lang kabilis at kalakas na sinapak ni Shadow si Conall. "You dared touch her?" Madilim ang tinging pinukol niya sa lalaki, nagtatagis ang panga at umaapoy ang mga mata sa sobrang galit. "Fvck you."

Mabilis na tumayo si Conall, pinunasan ang labing nagdugo agad. Bago pa siya muling makalapit kay Nadia ay magkakasunod na suntok ang natanggap niya mula kay Shadow. Hindi siya nito tinantanan.

Sumiksik si Nadia sa sulok at humagulgol, takot na takot, napapapikit sa labanan ng dalawa.

Naglabas ng hammer si Conall ngunit mabilis iyong naagaw ni Shadow. Hinablot niya ang kwelyo nito, sinandal at pinukol ang hammer sa pader na nasa gilid ng ulo nito. "Shall I hammer you in?" gigil na anas ni Shadow, nanlilisik ang mga mata. "Or shall I shred you to pieces?" Malamig siyang ngumisi. "No. I'll just kill you."

Nanlaki ang mga mata ni Nadia at dagling tumayo. "Shadow..." pigil niya.

Naiwan sa ere ang kamay ni Shadow habang hawak ang hammer. Hearing her voice softened the monster inside him. Nilingon niya si Nadia. Inilingan naman siya nito, tanda na huwag iyon ituloy.

Napasinghal ni Conall sa natunghayan at kinuha ang pagkakataong 'yon upang ilabas ang swiss knife. Napansin 'yon ni Shadow kaya maliksi siyang umiwas ngunit nadaplisan pa rin sa tagiliran.

"We're not yet done," Conall warned. "I'll get back to both of you."

Akma pang susuntukin ni Shadow si Conall subalit mabilis na nitong binuksan ang bintana at tumalon pababa.

Shadow rushed over to Nadia and hugged her tight, kissing her forehead multiple times. "I'm here now. You're safe. He won't touch you again. I won't let him." He felt her trembling knees. "Calm down, Nadine Alexia."

Sinubsob ni Nadia ang mukha sa dibdib ng nobyo at doon umiyak. Kinuha naman ni Shadow ang cellphone at mabilis na kinausap ang mga tauhan upang utusan na hulihin si Conall. Tinawagan niya rin si Sebastian para ipaalam ang nangyari at marami pa siyang kinausap upang masigurong hindi na makatatakas si Conall. Ginawa niya ang lahat ng 'yon habang magkayakap sila ni Nadia. He wants her to feel that she's safe and everything will be fine.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now