Chapter 2

223 19 8
                                    

Chapter 2

"OJT?" hindi makapaniwalang sambit ni Nadia na halos umalingawngaw sa buong gusali. "Pwede ko namang gampanan ang role nang hindi dumadaan sa gano'n."

"That's the only way you can grab this project," pahayag ni Yale. "Mabuti nga napapayag mo pa si Becca."

"Oo nga," segunda ni Syrus. "Tsaka dalawa hanggang tatlong buwan ka lang naman sa OJT."

"Estudyante ako ro'n," giit pa niya. "Kahit pag-aralan ko lang ang paraan ng pagbigkas ng legal terms, ayos na. Hindi ko talaga gusto ang ideya ng OJT."

"Kung hindi ka susunod sa kondisyon ni Becca, hindi kana magkakaroon pa ng project."

"Eh pwede naman kasing hindi gawin 'yon." Saka siya ngumuso. "Para akong magtatrabaho sa labas ng showbiz."

Natawa ang manager. "Iyon naman talaga ang kalalabasan."

"Ayaw mo talaga?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Yale. "Kung gano'n, tatawagan ko na si Becca na hindi mo na kukuhanin ang project na 'to."

"Boss naman," saway ni Nadia, nakakunot ang noo habang matulis pa rin ang pagkakanguso. "Gusto ko ang serye na 'to. Para sa akin talaga 'to."

"Eh 'di mag-OJT ka."

"Naku, boss," sabat ni Syrus. "Mukhang ayaw talaga oh." Turo pa nito sa aktres na nakangiwi na.

"'Wag pilitin kung ayaw. Besides, dalawang taon na siyang walang ganap sa showbiz. Ano ba naman 'yong panibagong dalawang taon din siyang nasa bahay lang?"

"Yale." Napapikit si Nadia, hindi na gumalang sa boss. Pagmulat ay nakangiti na siya. "May available bang law firm na mapapasukan? Sasabak na ko sa OJT."

Nagkatinginan ang dalawa at lihim na ngumiti. Kapag talaga binabantaan nila ito ng gano'n ay sumusunod agad ang dalaga. Lalo na't paubos na rin ang naipon nitong pera sa bank account. Wala talaga silang ibang paraan kundi kuhanin ang nakaabang na proyekto.

"Of course. I know someone who can help with that," matamis ang ngiting saad ni Yale. "So when will you start?"

"I'll call you when I'm ready." Bumuntong-hininga siya. "Kailangan ko munang ikondisyon ang sarili."

"Bibilhan kita ng organic tea. It will give your mind the relaxation that it needs to think clearly and calmly throughout the day."

Natawa ang aktres. "Saan mo naman natutunan 'yan?"

"Sa psychologist ko, Dra. Liz Warren. May therapy ako sa kaniya, remember?"

"Akala ko tuluyan ka nang nabaliw at mapapasok sa mental hospital."

"By the way," singit ni Yale habang nagco-compose ng message sa kaniyang pinsan. "May natanggap akong invitation from NA Cosmetics."

Nanlaki ang mata ni Syrus. "Kukuhanin nilang endorser si Nadia?!"

"Oppa, ang advance mo mag-isip." Ayun na naman ang malalim niyang buntong-hininga. "At imposibleng kuhanin nila ako dahil sa scandal. Baka bumaba pa ang stock price nila kapag nalaman ng investors at business partners nila na ako ang endorser."

Sa loob ng dalawang taong wala siya sa showbiz, pakiramdam niya ay masisiraan na siya ulo. Iyon na nga lang ang bagay na pinaka-iingatan niya sa buong buhay niya, nasira pa. Nahihirapan din siyang lumabas ng bahay dahil lahat ng tao ay hindi pa makalimutan ang scandal. Halos magkulong na lamang siya sa kwarto, pilit kinakalimutan ngunit hindi naging madali.

Love in ShadowWhere stories live. Discover now