Chapter 23

199 15 9
                                    

Chapter 23

"WHERE have you been?" taas kilay na sambit ni Syrus. "Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot."

Kinakabahan siyang lumunok. "Oppa..."

"First time mong hindi umuwi sa condo ng mahigit isang araw."

"Nagpunta ka...rito kagabi?"

"Oo. Bibistahin sana kita pero kahit anong doorbell ko, walang sumasagot. Sabi ng guard, hindi ka rin niya nakitang umakyat. So saan ka natulog?"

"Ano...kasi..." Dinutdot niya ang daliri. "Sa ano."

"Sa bahay ba ni Attorney Shadow Heinrich?"

Nanlaki ang mga mata niya. "H-Hindi. Oppa, hindi."

"Hinatid ka niya kaninang 2:37 pm dito mismo sa unit mo. Door to door. Niyakap ka niya in 1 minute and 49 seconds. Hinalikan ka niya sa labi. Smack. Muntik pang maging french kiss. Ayaw mawalay sa isa't isa. Pakiramdam ko nanonood ako ng live love serye."

Gano'n na lang ang pagtayo niya dahil sa gulat, namumula na ang pisngi. "Oppa, are you spying on us?

"Of course not. Nagkataon lang talaga nang bumalik ako rito, nakita ko kayo." Lalong tumaas ang kilay niya habang magkakrus ang mga braso. "So kayo na?"

Napabuntong-hininga siya. "Oo." Saka nilobo ang bibig, parang bata.

"Akala ko ba naiinis ka sa kaniya?"

"No'ng una 'yon. Iba na ngayon." Nakanguso niyang pinagmasdan ang manager. "Galit ka? Sasabihin ko naman kaso natatakot ako dahil baka pagbawalan--"

"Daebak!" Nagulat si Nadia nang yumakap ito sa kaniya. "Congrats, Nadia! Nag-evolve kana! I'm so happy for you!"

"Nag-evolve?"

"Matagal na kitang gustong magkaroon ng boyfriend para naman maging happy ka. And I didn't expect na sa law firm mo pa siya matatagpuan. Boto ako sa inyo!" Saka siya bumulong, "Kahit hindi kana mag-work, kayang-kaya ka niya buhayin."

"Oppa naman," saway niya, natatawang nilayo ang mukha nito. "Kaya kong buhayin ang sarili ko. At gusto ko siya dahil gusto ko siya. Hindi dahil sa pera niya."

Tumango si Syrus at pumalakpak. "That's our modern Aphrodite! Proud manager here!"

"Thank you, oppa."

"Pero umiwas kayo sa media ha? Matitinik gumalaw 'yon." Siya namang pag-vibrate ng cellphone niya at mabilis na napatayo nang makita ang pinadalang mensahe ng isang paparazzi. "Patay na."

Dulot ng kuryosidad, nakisilip si Nadia sa cellphone nito. Namilog ang mata niya sa gulat nang makita ang litrato nilang dalawa ni Shadow. Iyon ang oras na lumabas sila ng bahay kanina para ihatid siya nito pauwi. "Hanggang doon nakarating ang paparazzi?" bulong niya, hindi makapaniwala. "Exclusive village 'yon for rich people. Hindi basta nakakapasok ang walang gold card."

"Like I always told you, walang imposible sa media. Makakuha lang ng ibabalita." Napamura si Syrus. "Hindi dapat 'to makarating kay boss Yale."

Umusbong ang kaba sa dalaga. "Bakit?"

"Napag-usapan namin na hangga't hindi pa sure na makukuha mo ang project na Law of Love, hindi ka pwedeng ma-link sa ibang lalaki. Baka i-bash ka nila dahil hindi pa nga nareresolba ang scandal mo, may panibagong lalaki ka sa buhay mo. Sang-ayon ako sa relasyon niyo ni Attorney Shadow pero ibang usapan na 'to. Maaapektuhan kayong dalawa. At magagalit si boss Yale kapag nalaman niya 'to."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now