Chapter 10

173 18 16
                                    

Chapter 10

"HUMANDA ka talaga sa akin, oppa," bumubulong na banta ni Nadia, naiinis. "Kapag na-late ako, sa'yo ko ipapabasa ang susunod na lecture tungkol sa batas."

Nagmamadali niyang inikot ang balabal sa leeg at nagsuot ng shades. Hindi siya maihahatid ni Syrus ngayon dahil may importante raw itong lakad. Hindi naman sinabi kung saan, basta iyon lang ang laman ng text. Tinawagan naman niya pero hindi sumasagot, talagang wala sa schedule siyang ihatid.

Nang marating ang parking lot, napapatitig siya sa kulay pink niyang kotse. Sa tagal niya sa showbiz industry, naipundar niya 'yon sa pangalan niya. Maging ang condo unit niya sa Norwich Mansion Heights.

"Kaya ko naman sigurong magmaneho?" anas niya at sumulyap sa susi. "May lisensya naman ako."

Pero dahil nanghihina ang tuhod niya, hindi siya makasakay doon. Natatakot siya na baka mabangga pa 'yon at mas malaki ang magagastos niya. Naisipan na lang niyang mag-abang ng taxi at iyon ang unang pagkakataon na gagawin 'yon sa buong buhay niya.

Lalo pa siyang nadismaya nang bukod sa masikip na ang daloy ng trapiko, puno pa ang mga dumadaang taxi. "Hindi ako pwedeng ma-late," aniya pa, paulit-ulit na tinatatak sa isip. "Hindi pwede."

"Hey, miss." Nagulat siya nang tumapat ang isang magarang kotse, nakababa ang bintana at tinig ng babae ang bumungad sa kaniya. "Need a ride?"

Napalunok siya, nag-aalangan. "Legit ka?"

"What?" Nangunot ang noo nito. "Legit for what?"

"Nagsasakay ka ba? Magkano bayad?"

Natatawa itong umiling. "I just want to help you. Kanina pa kita nakikitang hindi makasakay."

"Talaga?" Ngumiti siya. "Pwede?"

"Get in."

Kahit kinakabahan ay sumakay na rin si Nadia. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan ang babae pero mas importante pa rin na hindi siya maparusahan ni Shadow.

"Madalas mo ba 'tong gawin sa iba?" usisa niya.

"Ngayon lang. You look familiar kasi."

Humigpit ang hawak niya sa seatbelt. "Anong pangalan mo?"

"Snow." Inalis nito ang suot na shades at matamis na ngumiti. "I'm a chef."

Napanganga si Nadia dahil sa pagkamangha nito sa ganda ng babae. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan dahil kasing puti ng nyebe ang makinis nitong balat. Manipis din ang mamula-mulang labi at nakatirintas ang buhok. Parang si Elsa.

"May talent agency ka? Para kang artista."

Natawa si Snow. "Ikaw din."

"Hindi naman," pagsisinungaling niya. "Bakit nga pala pamilyar ako sa'yo?"

"I saw you on TV before."

Napalunok siya. "Baka kamukha ko lang."

"What's your name then?"

"Aphrodite."

Lumawak ang ngiti ni Snow. "Aphrodite rin 'yong pangalan ng crush ni Kuya eh."

"May kapatid ka pala."

Tumango ito. "Saan ka pupunta?"

"Heinrich Law Firm."

Love in ShadowWhere stories live. Discover now