Chapter 12: Match Made From Heaven

80 11 0
                                    

CHAPTER 12

MATCH MADE FROM HEAVEN


"Jaxxon, what brought you here?" Salubong kong tanong at pabagsak akong naupo sa upuan sa gilid ng bintana.

"Aside from you stalking me, I guess this is really destiny. What do you think?"

Nanliit ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

"E-Excuse me, Jaxxon?!" mataas na tonong tanong ko.

"It's Jaxx, Mariyah. Isn't it obvious? Tadhana na ang gumaawa ng paraan para muli tayong pagtagpuin. Ikaw pa ngang nagsabi nun, remember?" nanunukso pang saad niya.

Biglang nag-flash sa akin iyong sinabi ko noon bago ako bumaba ng kotse niya.

'Kung muli mang magtatagpo ang ating mga landas sa hindi pa rin inaasahang pagkakataon, alam kong itinadhana iyon.'

Inikutan ko siya ng mata, "Oh, you wish!" Mas lumakas ang tawa niya.

"My bad, hindi mo siguro alam ang patutunguhan mo sa pagsakay sa bus na 'to." Nakangisi pa ring dagdag, ngayo'y kita na ang mapuputi at pantay niyang ngipin.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong usisa't napalunok dahil napaka-creepy ng pagkakasabi niya nun.

"Hindi mo ba talaga alam ang ibig sabihin ng 0143?" Lalong napakunot ang noo ko. "Just.. any guess?" aniya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. "They are numbers?" nagtatakang tanong ko naman. Ayokong sabihing 'I love you' baka hindi ako makailag sa isasagot niya.

Nasampal niya ang noo't tatawa-tawa.

"Is that for real? Wala ka talagang ka-idea-idea kung bakit DD Bus 0143 ang pangalan nito?" Umiling akong nakanguso.

"Look at everyone around us closely," hanggang tainga ang ngiting utos niya, "then, you'll know what bus you're messing up with." Bigla na lamang sumeryoso ang kaniyang mukha't pabulong na sinabi iyon.

Napahid ko ang aking kamay dahil sa paninindig ng aking mga balahibo. Napatingin ako sa kabilang side namin at nanlaki ng sobra ang mga mata ko nang makitang nagyayakapan ang dalawang magkatabi roon na para bang walang nakakakita sa ginagawa nila.

Nagsisimula mang bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko'y unti-unti kong itinaas ang aking sarili sapat na upang masilip ko ang mga tao sa unahan. Akala ko kasi nan-t-trip lang siya kanina.

May nakatago sa kumot na hindi ko alam kung ano ang ginagawa dahil puro hagikhik lamang ang aking naririnig. Meron namang babaeng nakakandong sa isang lalaki na para bang kinukulangan sila sa space ng dalawang upuan.

Babalik na sana ako sa maayos na pagkakaupo nang mahagip ng aking mga mata ang dalawang tao sa salaming nakakabit sa harapan ng bus na mapusok na naghahalikans.

"Shocks! My innocent eyes!" Mabilis akong napaupo't natatarantang tinakpan ang aking mukha gamit ang mga palad.

Ilang sandali pa'y napabuntong-hininga na lamang ako't inis na napatingin sa katabi kong alam kong nagpipigil ng tawa.

"Don't give me that stare, Mariyah," nang-aasar pa ring saad niya, "nakagawa na nga tayo ng Chandrea, 'di ba?" pabulong niyang dagdag.

"What? Nababaliw ka na ba, ha? Hindi-nga-ako-ang-asawa-mo!" singhal ko sa mismong mukha niya.

I saw him shrugging kaya napasandal na lang ako. Naiinis ako sa sarili ko. Kung alam ko lang na ganito edi sana nakisakay na lang ako dun sa nakilala ko kanina. Ilang ulit akong napabuntong-hininga habang pinanood ang mga buildings na aming nadadaanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon