Chapter 3: Vaund University

172 25 3
                                    

CHAPTER 3

VAUND UNIVERSITY


Nagkibit-balikat siya't isinandal ang likod sa couch habang naka-de cuatro. "Won't you tell me something about yourself?"

Katatapos lang namin maghapunan at dahil nakaupo siya rito'y nakigaya na rin ako kasi wala naman akong ibang alam na pwedeng matambayan dito sa mansyon niya.

"Well, I became an orphan at the age of fifteen kaya kailangan kong magtrabaho for my tuition. Until now, heto ako't patuloy pa rin sa pagkayod. Gusto kong maging flight attendant." Nanlalambot ang mga tuhod ko at may kung anong kumikirot sa puso ko nang sabihin iyon.

Napabuntong-hininga siya. "Is that all?" He curiously asked.

"Yes. As far as I remember, my life isn't that interesting for me to share a lot." I answered, nodding.

"This is not good—I m-mean it's o-okay. It's fine." He then stuttered.

Deafening silence.

"How 'bout you? Won't you ask something about me?"

Muli akong napatitig sa kaniya, hinahanap kung saan niya nakuha ang ideyang iyon. Napangiwi ako't nag-isip.

"Hmm.. sige, share ka lang. I'll try to catch up," usal ko. Alam ko naman lahat tungkol sa kaniya.

"Okay, I'll start." Umayos siya ng upo at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "I'm also an orphan—"

"Dahil namatay ang parents mo sa isang drug raid at nanlaban sila kaya nabaril?" singit ko na ikinakunot niya ng noo. Naging malungkot at mapait ang ngiti niya.

"I-I'm so sorry, Caleb." I said, apologetic. "I told you, alam ko ang tungkol sa'yo. Hulaan ko, first heartbreak mo ay nung high school ka. Kailangan mo siyang iwanan kasi kailangan mong magtrabaho para makaipon ng pang-aral mo. Tama ako, 'di ba?" Confident kong sabi, sinusubukang sabihing naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

I gave him my most comforting smile to cheer him up a bit.

"Buti pa 'yan naaalala mo pa," aniyang pahina nang pahina ang boses.

"Ano ulit ang sinabi mo?" usisa ko pero umiling agad siya.

"Nothing. I have to sleep early. Mag-p-prepare pa ako for Monday." Tumayo siya't inayos ang hoodie.

"Oo nga, professor ka nga pala sa Vaund University," habol ko nang nagsimula siyang maglakad paakyat ng hagdan.

"Y-You.. k-knew?" gulat niyang tanong.

So totoo pala talaga ang Vaund University? At ang Caleb na kasama ko ngayon ang Prof. Kalebb ng school?

Okay. Now I get it. Siya nga talaga!

"Sabi ko naman sa 'yo, Caleb. Alam ko talaga 'yan kasi nabasa ko na ang story ng buhay mo at ang love story niyo ni Kween Zebbe." pagpapaliwanag ko na naman pero ayaw niya pa ring maniwala sa akin.

"Tsk. Babbling woman," bulong niya saka muling tumalikod.

Wait, totoo ba ang nakita ko? Umangat ang gilid ng mga labi ng isang Caleb De Castro?

Kahit pa hindi niya amining siya ang living Kalebb De Castro, sobrang dami nilang similarities. Napapigil ako ng tili nang hablutin ko ang unan sa gilid at niyakap iyon ng sobrang higpit habang ibinabaon ang aking mukha.

"Mariyah," rinig kong tawag niya sa usual niyang malalim at buong boses.

Tiningala ko agad siya na parang walang nangyari, nakangisi pa. "Yes, baby—este Caleb?"

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon