CHAPTER 5
THE KISS AND JEALOUSY
How can a man so perfect like him exist?
Pinapanood ko si Caleb na tutok sa paghuhugas ng pinggan. Siya ang tipo ng lalaking gugustuhin ng kahit sinong babae. Maliban sa mala-Adonis niyang mukha at pangangatawan na nakikita ng marami, maalaga at maalalahanin siyang tao. Magaling din magluto kahit itlog at bacon lang, gentleman, cool at marunong makisama kahit medyo hindi halata.
Napakibit-balikat ako't napabuntong-hininga habang nakaupo sa couch. Isang pamilyar na kirot ang bumaon sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang malungkot sa katotohanang hindi siya magiging masaya kapag ako ang kasama.
Agad kong pinunasan ang mamasa-masa ko na palang pisngi nang bigla niya akong lingunin sabay ngiti. Isang mapait na ngiti lang ang naisagot ko.
He's too good to be mine. Just the fact that he's for someone I really looked up to was enough for me to only watch him from afar and did nothing more than that.
Bakit nga kasi nagkagusto ako sa lalaking sa Ebook ko lang nabasa noon?
Si Kalebb ay para kay Kween Zebbe. End of discussion.
Days passed at lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong mali pero ngayon, handa na akong bumagsak gaano man kalalim ang butas na ginawa ko para sa sarili kahit hindi niya ako kayang saluhin.
"Caleb, kung hindi tayo nagkita sa plaza, sa tingin mo magiging ganito kaya tayo?" usisa ko sa kaniyang nakatitig lang sa phone niya.
"I don't know. Things that are meant to happen find a way for itself." Aniya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Bahagya akong napangiti saka ibinaling na lang ang atensyon sa pinapanood kong Tom and Jerry show. Ilang saglit ang lumipas at tanging tunog lang ng palabas ang bumabalot sa aming dalawa. Nang muli ko siyang nilingon ay busy siya kaka-type sa phone niya.
"Caleb, bakit mo ako pinatira dito sa bahay mo?" I tried to start another conversation and somehow lowered the show's volume.
"H-Huh?" Hindi niya pa rin ako tinitingnan. "Pfft." Pagpipigil pa niya ng tawa sa kung anuman ang tinitingnan niya.
"Bakit mo 'ka ko pinatira ako dito?"
"Ahh-I just thought you can be a good housemate." This time, napatingin na siya sa akin pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa phone.
"Sino ka, si Big Brother?" Mapait akong napangiti nang hindi siya sumagot pa at pabagsak na naisandal ang likod sa couch, napatingin sa TV.
Hays. Sa ilang taon kong nabubuhay ni minsan hindi pinaramdam sa akin ng mga kaibigan kong kailangan kong mamalimos ng atensyon.
"Sobrang busy mo naman diyan. Patingin nga?" usisa ko ulit sabay tingin sa screen ng phone niya na agad naman niyang inilayo, namumula ang mukha.
"Okay, huwag na." I surrendered. Alam ko naman kung sino ang ka-chat niya.
Maninibago pa ba ako? I'm sure naman na nagkakilanlan na silang dalawa ni Kween like 'Omg, ikaw pala 'yung nasapak ko sa CR?' then 'Ang gwapo mong professor!'
Tss.
Napaikot ko na lang ang aking mga mata at nagkibit-balikat. Minutes passed at naisipan ko nang pumasok na lang ng kwarto kasi parang wala rin naman akong kasama rito.
"Tulog na 'ko." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Tumayo na ako't naglakad paakyat ng hagdan.
Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong-hininga niya pero mas nagpabigat lang 'yun sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi napipilitan lang siyang pakisamahan ako dahil nasa iisang bahay lang naman kami.
BINABASA MO ANG
Converging Souls (Revelation Series #1)
RomanceRevelation Series #1: Converging Souls Mariyah Merced, a 24-year-old Tourism Management student, is a huge fan of a deleted online novel whose author is on hiatus for years. Five years later, the novel is republished on another online platform and b...