Chapter 25: Who's Pregnant?

50 9 0
                                    

CHAPTER 25

WHO'S PREGNANT?


'It's either you want to be Mrs. Andreas or Mrs. De Castro.' I shook those thoughts away from my head and carried my gym bag.

"We'll be the only persons in this establishment. I paid the whole building so you will have a peace of mind while doing the workout."

Habang naglalakad kami papasok ng building ay salita lang siya nang salita.

"Is that okay with you? Mariyah?"

Napa-ha? ako sa paglingon niya't binanggit ang pangalan ko.

Bakit ba kasi in-o-occupy masyado ni Jaxx ang utak ko. Ginigimbal niya ang mga brain cells ko.

"I said only the two of us and a visiting coach will be in this building for today so stop worrying, okay?"

Napahinto siya kaya ganun din ako. Ngitian niya ako't bahagyang ginulo ang braided kong buhok na ginawa niya kanina. Tipid na sinuklian ko siya ng ngiti at napabuntong-hininga.

Pagkapasok namin ng gym ay totoo ngang kami lang ang nandito. May isang lalaking malulusog ang mga muscles mula sa biceps, chest hanggang sa abs nito ang kalalabas lang mula sa kaniyang locker room.

Iba talaga ang nagagawa ng pera. I couldn't believe Caleb's this rich. Imagine mo na lang, nagawa niyang i-p-privatize ang buong building na sa thingin ko'y nasa dalawampung palapag. Ibig sabihin, binayaran niya ang mga kompanyang nandito pati na ang sweldo ng lahat ng employees dito para ngayong araw.

Ganyan talaga kayaman ang isang Caleb De Castro. Mapakasalan nga, 'di joke lang hihi!

"Now that you're both ready, Ms. Merced, let's proceed to your routine," ani ng gym coach matapos naming mag-stretching.

Pumunta si Caleb sa una niyang exercise kung saan para siyang nakahiga sa isang upuan habang nasa sahig pa rin ang mga paa niya. Nasa mga kamay niya ang isang barbell na may dalawang weights sa bawat gilid nito habang itinataas-baba niya ito.

"Ms. Merced," tawag sa akin ni coach Gemini kaya mabilis akong napabalik ng tingin sa kaniya. "Soon you'll also have an exercise like that of Sir Cal but for the meantime, we'll have first the beginner routine. Basic lang 'to kaya I'm sure madali mo lang ma-g-gets."

Pareho kaming napatingin kay Caleb na ngayo'y nagsisimula nang pagpawisan sa suot niyang puting sando na hanggang baiwang ang cut. Natatanaw ko ang pag-compress at pag-loosen ng mga muscles niya sa tagiliran habang mamasa-masa ito.

Napalunok ako. Sanaol may abs.

"So, let's start?"

Since buong katawan muna ang uunahin namin, I started with the deadbug kung tawagin ni coach. Plain lang akong nakahiga sa isang yoga mat habang magka-level ang mga tuhod ko na dahan-dahan kong isisipa ng hindi tumatama sa sahig. Kasabay nun ay itinataas ko naman ang mga kamay ko sa gilid ng aking ulo saka dahan-dahang ibababa na naka-level lang sa shoulders ko. I did it 10 repetitions per leg for 4 sets.

"Easy-peasy coach," pagmamayabang ko nang matapos ang exercise.

"It's really a piece of cake," nakangiting aniya matapos akong bilangan sa buong exercise na 'yun. "Kung hindi lang sinabi ni Sir Cal na huwag kitang pahirapan, edi sana naka-barbell hip bridge ka na, Ms. Merced."

Napa-tsk ako. Dadalhin-dalhin ako sa gym tapos ayaw akong pahirapan? Ano 'to laro lang?

"I want some challenge, coach Gemini. Maybe you can now give me a much-intensified exercise," I said with head held high. He jokingly smiled.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon