CHAPTER 29
DÉJÀ VU
"Ang baby ko!"
Naghahabol ng hiningang napaupo ako sa puting kama. Napatingin ako sa likod ng aking kamay nang maramdaman ang sakit doon.
Shocks! Bakit naka-dextrose ako?
"Misis, keep relax and calm po. Makakasama po sa iyo ang masyadong paggalaw," mahinahon at kalmadong utos ng isang doktor. Nakapalibot sa leeg niya ang isang stethoscope. Nakaputing long sleeves siya na naka-tuck in sa itim niyang slacks.
"N-Nasaan po ako? Doc, dinudugo po ako kagabi. Kumusta po ang baby ko? Okay lang naman po ang baby ko, 'di ba?"
Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbigat nito nang mahawakan ko ang sleeve niya. Napatigil ako sa pagseryoso niya't pahapyaw na umiling-iling.
"No, no. Hindi 'to totoo. Doc, tell me that my baby is fine. Doc, please!" pagmamakaawa ko't napahawak na lamang sa kamay niya nang tuluyan akong maubusan ng lakas.
"Baby? Doc, what happened to her?"
Napatingin ako sa lalaking kararating lang ng silid. Mas napahagulgol ako ng iyak nang yakapin niya ako ng mahigpit. Nang tumahan ako'y kinausap ng doktor si Caleb in private. Mas natatakot ako sa pwedeng nangyari sa baby namin.
Bumalik si Caleb ng kwarto ng hindi ako kinakausap. Pansin kong mugtong-mugto ang mga mata niya. Nang matapos ng nurse ang pagtatanggal sa mga nakakabit sa katawan ko'y inalalayan niya ako palabas. Bumuntong-hininga ako pagkapasok ng kotse niya't inihilig ang ulo sa head restraint.
"Paano mo nalamang nandun ako?"
Ilang minutong katahimikan.
"Okay lang naman ang baby natin, 'di ba?" kulit na tanong ko habang nasa biyahe kami pero wala pa rin siyang imik.
"Caleb, ang daming dugo. May dugo sa kamay ko."
Muli kong tiningnan ang kamay ko tulad ng ginawa ko kagabi. Nakikita ko pa rin ang dugong bumabalot dito. Naikuyom ko ang mga kamay saka ko hinawakan ang aking mga hita.
"Sa hita ko, sobrang daming dugo. Caleb, ang baby natin-huhu!"
Muling nag-flashback lahat ng nangyari kagabi-iyong tubig-ulang nagmistulang dugo. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko, naninindig ang mga balahibo't pabigat ng pabigat ang dibdib. Para akong dinadaganan.
"Caleb, Caleb, ang baby ko!"
Hininto niya ang kotse sa tabi ng kalsada. Tinitigan niya ako, humugot ng malalim na hininga't hinawakan ang aking mga kamay.
"Sssh. We can make another baby, right?" he softly said while caressing my cheek with his right hand.
Napaawang ang labi ko't bumagsak ang aking mga luha.
"I'm sorry. I did nothing to save you and our baby. I'm sor-"
"No. NO! Buhay ang baby ko. Ipapanganak ko pa ang baby natin!" pagpuputol ko sa sinabi niya.
My baby's alive and I would raise him the way my parents raised me. I would make a family I could call my own.
"I'm sorry. Sorry, baby, I'm so sorry."
Sa buong araw ay iyak lang ako ng iyak hanggang sa lumipas ang dalawang linggo. Tuwing sasariwa sa isip ko ang dugong nakita ko sa'king mga kamay at katawan na dahilan ng pagkawala ng baby ko'y nawawalan ako ng ganang mabuhay.
Wala na akong ganang kumain. Walang ganang kumilos. Walang gana sa lahat.
"Baby, I'm bringing you your dinner. Subuan na kita?"
BINABASA MO ANG
Converging Souls (Revelation Series #1)
RomantizmRevelation Series #1: Converging Souls Mariyah Merced, a 24-year-old Tourism Management student, is a huge fan of a deleted online novel whose author is on hiatus for years. Five years later, the novel is republished on another online platform and b...