Chapter 24: Battle Mode On

44 9 3
                                    

CHAPTER 24

BATTLE MODE ON


Muli akong napapikit at nasapo ang noo nang muli itong sumakit.

"Sorry kung nabigla ka sa sinabi namin, MM ah," nag-aalalang paghingi ni Blessie ng tawad.

Tiningnan ko sila't tipid na nginitian.

"It's just so weird. Bakit hindi mo alam na boyfriend mo si Sir to think na super naging headline kayo noon sa blogsites ng mga Vaundees?" nagtatakang napaisip si Ciara sa naitanong niya. Pati ako nga rin.

"Yeah, I agree. Isn't it confusing na kayo ang magjowa pero si Sir lang at kami ang nakakaalam? Ano 'yun in a relationship with no mutual understanding?" dagdag pa ni Blessie.

Mas sumakit ang ulo ko sa mga naririnig. Nakakasuka, nakakahilo.

"Maybe it's time for you to ask him personally, MM. You should fix what's between you. Mukhang badtrip si Sir kanina e," ani Ciara habang hinahaplos ang likod ko saka sila nagtinginan ni Blessie.

"Sige, mauuna na siguro ako. Magpapahinga muna ako. Sumasakit ulo ko dito. Salamat pala sa inyo."

"Are you sure?" paninigurado ni Ciara na inalalayan akong makatayo.

I sighed.

"Yes, I can handle myself naman. Mag-t-taxi na lang siguro ako pauwi."

Nginitian nila akong dalawa at hinatid pa hanggang sa labas ng resort. For the last time, winagayway nila ang mga kamay at nakangiting naglakad pabalik ng restobar. Nang tumahimik ang paligid ay doon lang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari.

Maiisip ko pa lang ang medyo pamilyar nilang mga boses ay naninindig na ang mga balahibo ko. Mas lumala pa nung sabihin ni Blessie na kapangalan ko raw ang girlfriend ni Caleb.

I slowly closed my eyes. I calmed myself through the wind breeze touching my skin. I could feel the beat of my puzzled heart.

"BEEEEPP!!"

Halos iwan ng kaluluwa ko ang aking katawan sa nakabibinging busina sa likuran ko.

"Ano ba?! Don't you know the meaning of the word privacy?" pasigaw kong bigkas saka nilingon ang sasakyan. Binambo ng malakas ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng driver nito.

"We have to talk."

Walang kaemo-emosyon niya akong tiningnan sa pagbaba ng bintana ng kaniyang sasakyan sabay tingin sa malayo.

"No. We need to talk," I said, emphasizing the word 'need' then turned around his car and sat beside his driver's seat.

"I'm sorry."

Pagbabasag niya ng katahamikan matapos ang halos limang minutong pananatili naming nakatingin sa harap ng sasakyan niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"I'm sorry."

Sa pangalawang pagbigkas niya nun ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. He seemed so earnest and I could feel his sincerity.

Karupukan mode, striking the defense wall!

"I said I'll understand but tsss," he scoffed, "here I am again, following you around. I said we have our separate lives but I keep on jumping into your private life."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya at kitang-kita ko kung paano siya disappointed na natawa sa sarili.

"I'm so sorry."

This time, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nakapikit kong naisandal ang aking ulo sa head restraint dahil nagtatalo na naman ang utak at puso ko.

"Mariyah, sorr-"

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon