Chapter 33: DNA Test Result

36 8 0
                                    

CHAPTER 33

DNA TEST RESULT


Umalingawngaw ang huling linyang kinakanta ng boses. Kusang bumilis ang paghakbang ng aking mga paa hanggang sa makapasok na ako ng bahay. Sumalubong sa'kin ang nakangiti niyang mukha.

Agad siyang tumayo. Nang may bukas na mga kamay ay tumakbo siya papunta sa direksyon ko. Napaluhod ako sa tiles para salubungin ang yakap niyang sobrang higpit at puno ng kaligayahan.

My heart was filled with great joy and contentment that I couldn't explain.

While I was wrapping my arms around her body, I felt that I am also feeling his warmth. Caleb..

Iyong kanta, it's his sweet lullaby to me. Naaalala ko kung paano niya iyon kinanta ng buong puso sa'kin. Now that she's singing it, pakiramdam ko siya ang yakap-yakap ko.

Miss na miss na kita, Caleb. Gusto na kitang yakapin. Gusto kong sabihin sa'yo ng paulit-ulit kung gaano kita kamahal.

"Caleb," naibulong ko sa sarili.

"Mommy, you're crying."

Doon ay natauhan ako. Nagising ako sa katotohanang wala siya sa tabi ko. Kahit gaano ko pa siya na-m-miss ay hindi ko na alam kung kalian ko pa siya makikita.

"Mommy.. stop crying na please." Nagsimula na ring umiyak si Chaichai kaya agad kong pinunasan ang aking mata't pisngi.

"Psssh, don't cry na, baby. Mommy's not gonna cry again, okay?" pagpapatahan ko sa kaniya. Tumango siya habang kinukusot ang mga mata sabay yakap ulit sa akin.

"Can I join the hug? My heart's melting too and I want to cry with both of my babies."

Pareho kaming napatingin kay Jaxx na nasa likod ko. Nakanguso siya't kunwari naiiyak rin. Napatawa ang bata at tumakbo papunta sa kaniya para hilahin siya't niyakap kaming dalawa.

"Starting today, baby, mommy will stay with us and will never leave, right, mommy?" nakangiting tanong niya sa akin kaya napalipat-lipat ako ng tingin sa kaniya at sa anak niya, nangangapa ng tulong.

Again, I was caught off guard and he's liking it. He kept smiling and then winked.

"Uh-y-yes, baby. Of course!" walang choice na tugon kong ikinapalakpak ng bata.

"Why don't you bring mommy to the room? You prepared it kanina, 'di ba?" suhestiyon ni Jaxx. Tumango naman ang anak niya't hinila ako.

"Mommy, can you close your eyes first? Pleaseee," the cute little Chandrea pleaded. Nakangiti kong ipinikit ang aking mga mata bago niya buksan ang pinto ng kwarto.

"Surprise, mommy!!" magiliw na sigaw niya nang hawakan niya ang kamay ko't binigyan ako ng cue na idilat ang mga mata.

Bumungad sa'kin ang rose petals sa kama at ang mga chocolate bars na nakakalat sa ibabaw. Hinila niya ulit ako sa pulsuhan papasok.

Agad naming sinimulang kainin isa-isa ang chocolates at ilang ulit pa kaming salitang sinusubuan ang isa't isa. Malapad ang ngiti niya habang may patulo nang laway na nagkulay chocolate na rin nang may maalala ako. Napahalukipkip ako.

Kung nabuhay lang sana ang baby ko, siguro malapit ko na siyang ipanganak. Sigurado akong magiging masayahin din siya at magkakasundo talaga silang dalawa.

Haist. Kung hindi ka lang maagang kinuha sa amin ng daddy mo, baby, mas masaya siguro tayo ngayon. Kung sinuman ang may kasalanan ng pagkawala mo'y sisiguraduhin kong magbabayad siya.

"You promised you won't cry again, mommy."

Hindi ko namalayang pinupunasan na pala ni Chaichai ang pisngi kong basa na ng mga luha. Agad akong napaayos ng upo at pinunasan ang buong mukha.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon