CHAPTER 20
CITY OF REBIRTH
Itinaas ni Zebbe ang kaliwang kilay habang nakatagilid ang ulo. Naningkit ang mga mata kong mainit na nakikipagtitigan sa kaniya.
"Well, the hunt has just begun."
Isang evil smile ang nagbigay ng kakaibang boltahe sa'king katawan. I flashed a smirk to signal her that I could no longer feel fear towards her.
"Do you think shaming someone make you look more dominant?"
Napatigil kami sa malalim na boses na iyon. Sabay kaming napatingin sa lalaking ngayo'y in-e-examine ang kabuuan ni Kween Zebbe.
"Tsk. Girls really love to make a scene in public." Naisuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng itim niyang slacks. "Immaturity is hitting you so hard, Ms. Zenesstier."
Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ni Kween Zebbe at kunot-noo itong tinitigan. Walang gana itong ngumiti ng tipid saka naglakad palampas sa amin.
Mabilis akong inalalayan ng isang waiter at pinunasan ang damit kong puno ng icing.
"Namumula ka," naibalik ko ang atensyon kay Kween sabay hawak sa magkabilang pisngi ko, "huwag kang masyadong kiligin sa pinagsasabi niyan. They're purely a show. Nothing's serious for someone like Blyke Jester Amsterdam, especially... you."
"Stop pestering her, Ms. Zenesstier. We both know that you can't beat me," tiim-bagang na usal ni Blyke nang muli kaming lapitan.
Napaikot ang mga mata ni Kween. "You're such an epic fail knight in shining armor, Blyke.. as always." She mumbled before finally going out of the shop.
"I have to go."
Hindi ako nakakilos sa agarang pagbubukas ni Blyke ng glass door.
"Blyke," wala sa sariling tawag ko, napatigil siya't lumingon, "salamat.. sa pagtatanggol mo sa akin. Salamat talaga."
Ngingiti pa sana ako pero agad siyang tumalikod at tuluyang lumabas.
***
"Are you sure you want to stay in our house for few days?"
Tumango ako habang nakayakap mula sa likod. Tinawagan ko si Jaxx dahil inis na inis ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung may nakapag-video rin at baka habulin na naman ako ng mga gustong pumatay sa'kin. Ayoko rin munang umuwi for the meantime.
"Hindi ka pagagalitan ng amo mo? Nag-leave ka ba? O nagpaalam man lang?"
Mabilis naman akong umiling. Ayoko kasing magsalita o makipag-usap sa kahit na sino.
Naiinis pa rin ako sa sarili ko kung bakit iniyakan ko iyong si Kween Zebbe. Sa sobrang inis ko rin kasi kina Blessie at Ciara, na prank lang pala 'yung meet up kanina, napahagulgol na lang ako habang 'yung dalawa, tinatawanan lang ako sa tawag.
Pamilya pala ni Blessie ang may-ari ng dairy shop kaya run ako pinapunta. Ang dalawang bruha, pinagkaisahan ako. Ang ending, pamamahiya lang ang inabot ko sa prank nila.
"Alright. Just let me know if you want to go home, okay?"
Hindi ako sumagot at mas hinigpitan lang ang pagkakayakap. Pinakalma ko ang sarili sa preskong hangin sa buong byahe.
Tahimik ang bahay nila nang makarating kami. Nasa paaralan daw kasi si Chaichai.
"Aalis na naman tayo?" naguguluhang tanong ko nang isuot niya ulit sa akin ang helmet.
"Hmm.. parang ganun na nga."
"W-Wala bang makakakilala sa akin dun?" nababahala kong usisa. Baka kasi doon na ako mahuli't mapatay.
BINABASA MO ANG
Converging Souls (Revelation Series #1)
RomanceRevelation Series #1: Converging Souls Mariyah Merced, a 24-year-old Tourism Management student, is a huge fan of a deleted online novel whose author is on hiatus for years. Five years later, the novel is republished on another online platform and b...