Chapter 14: His Kasambahay

71 9 2
                                    

CHAPTER 14

HIS KASAMBAHAY


Jaxx calling...

Malalim akong napabuntong-hininga habang tinititigan ang phone saka ko ito isinuksok sa ilalim ng aking unan.

Mag-iisang oras na nang makarating ako ng bahay at mas pinasakit lang ng tawag ni Jaxx ang ulo ko. Pwede namang hintayin niyang ako ang tumawag sa kaniya, 'di ba?

Pabagsak kong nahiga ang sarili sa tanong na iyon sa isip ko.

"Aaarghh! Nakakainiiis!" tili ko na isinubsob ang mukha sa unan.

Jaxx calling...

Muli kong tinitigan ng ilang segundo ang aking cell phone.

Jaxx calling...

"Isang tawag mo pa talaga.. makikita mo, Jaxxon Andreas," bulong ko sa sarili na kunwari'y kinakausap ang cell phone.

Maririnig pa ang tunog ng relo sa aking kwarto dahil sa katahimikang bumabalot dito.

Jaxx calling...

Nang makita ko ang pangalan niya sa screen ay halos mapatalon ako papalayo ng kama. Kung dahil ba masaya akong tumawag ulit siya o kung kinakabahan lang ako sa mga dapat kong sasabihin ay hindi ko talaga alam.

Malakas kong naipikit ang aking mga mata sabay kuha ng phone at itinapat sa aking dibdib.

"Hooo! Keri mo 'to, Mariyah. Just act normal at huwag mong ipahalatang bothered ka sa boses niya." Bumuga muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang pinindot ang answer button.

"He-"

"Mariyah, bakit hindi mo pinindot 'yung rice cooker? A-Anong kakainin natin ngayong lunch?!"

Nakaawang ang labi kong napatingin kay Caleb na biglang sumulpot sa kwarto ko. Gulat akong napatingin sa pangalan ni Jaxx sa screen ng phone saka ibinalik ang paningin sa kaniya.

"N-Nag-uh-nagsaing ba ako kanina?" naguguluhan kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay sabay kamot sa batok. "As far as I remember kasi.. hindi, yes, hindi naman ako nagsaing. Sure ako run-"

"Okay, I-ah-I give up." Mas kumunot ang noo ko sa mga kinikilos niya. Bumuntong-hininga siya't napahilamos ng mukha. "Ano ba 'tong ginagawa mo, Caleb." Narinig kong bulong niya sa sarili.

Doon ay nakahanap ako ng timing para maisuksok ang phone sa ilalim ng aking unan. Mahirap na baka maitanong pa nilang dalawa kung sino ang kausap ko.

"Hmmm?" tanong ko nang may panlalaki ng mga mata.

"Uhh, amm.. p-pwedeng-ah-makasabay kang ummm, kung okay lang naman sa'yo," pabitin at nauutal na aniya.

"Na anong okay lang sa akin?" pagtatanong ko ulit nang mapansing umuurong pa rin ang dila niya.

"Na m-makasabay kang-amm-mag-l-lunch?" nag-aalangan niyang usisa.

"Aysus! Ayun lang ba? Syempre naman. Libre mo?" Medyo napapangiti kong tanong.

Nakita ko kung paano siya napaayos ng tayo at nagliwanag ang mukha. "Sure, my treat."

Mas lumapad ang ngiti ko. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa libreng pagkain 'di ba? Tapos panigurado siya pa ang maghuhugas ng pinggan mamaya kaya ngiting wagi ako ngayon.

Nag-two thumbs up ako.

"By the way, what are you doing? I saw you holding your phone?" pagtataka niyang animo'y may hinahanap sa gilid ko.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon