Chapter 43: Gunshots

42 8 0
                                    

Trigger Warning: The following scenes contain violence. Reader discretion is advised.

CHAPTER 43

GUNSHOTS

"Babe, faster!" Umalingawngaw sa mahabang hallway ang sigaw ni Zebbe. Nang tumama sa'kin ang matalim niyang tingin ay dun ako napatakbo habang nakasunod sa kaniya.

Natapunan ko ng tingin ang mga nadadaanan namin. Patients were crying for help, aching for the pain that the explosion caused them. Nurses and even number of doctors were running back and forth to give them the aid they needed. Pleas of children for their parents to hold on crumbled my heart even more.

Everyone's in a hurry and death was chasing whoever it found. Nakakatakot. Nakakaangilabot.

The fact na ilang buwan o taong nilalabanan ng mga narito ang kani-kanilang mga nararamdaman, heto pa't dumagdag ang ganitong gulo na 'di naman nila dapat naranasan. Tears started to blurry my sight.

"Look," natigilan ako nang pwersahang hawakan ni Zebbe ang magkabilang balikat ko't iniharap sa kaniya, "the hospital will turn into ashes any minute now. Babe, you have to focus and save your life first for you to save others!"

Namumula na ang mukha ni Zebbe at matapos sabihin iyon sa mukha ko mismo'y naglikot ulit ang kaniyang mga mata. Tumalikod na siya.

"Caleb—jow!" gulat na tawag ko sa kaniya, napa-usog sa tabi nang patakbong inilabas siya ng kwarto ng mga tauhan ni Zebbe. "Baby, nandito ako.. nandito lang ako sa tabi mo." Sumabay ako sa pagtakbo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya habang nakahiga siya sa stretcher. Animo'y lumipad ako sa alapaap nang maramdaman ko ang pagganti niya ng mahigpit na hawak sa'king kamay.

"I won't die, I-I''m just sleepy." Unti-unti siyang dumilat saka ngumisi. "Stop your cute widened eyes from staring at me, you're tempting me to have a taste of your lips, jow." Lalong lumapad ang pagkakangisi niya nang bumaba ang tingin ng kaniyang mga mata. I felt my cheeks burning and I hated blushing in front of him.

"Hep, hep! Tama na ang landian. Many died and hundreds are facing death, stop being insensitive, please." Nanlilisik ang mata ni Zebbe matapos sumingit sa gitna namin ni Caleb dahilan para mabitawan ko ang kamay niya.

Mabilis na naisakay sa sasakyan si Caleb at agad kaming umalis. For the last time, nilingon ko ang ospital. Mausok na ang paligid nito't may ilang linya pa ng kuryenteng pumuputok. Mariin kong napikit ang aking mga mata't hinayaang ilabas ko ang bigat ng nararamdaman sa kumakawala kong mga luha.

Binalot kami ng nakbibinging katahimikan. Ilang metro pa lang ang naitakbo nami'y narinig namin ang putok ng baril na sa likod mismo ng sasakyan tumama.

"Heads down, cover your ears. Let me handle this!" Maawtoridad na anunsyo ng tauhan ni Zebbe sa tabi ng driver na buksan ang bintana sa gilid niya. Nagsiyuko kami nina Caleb at Zebbe sa back seat saka siya tumayo't inilabas ang kalahati ng katawan. Itinutok niya ang isang mahabang weapon na medyo pointed ang unahan.

The driver and his mate were literally doing their job. Halos triple ang bilis ng takbo namin habang ilang segundo lang na tinutukan ng lalaki ang nakasunod sa aming sasakyan ay mabilis na lumipad ang matulis na bala at kasunod niyon ang pagputok mula sa likuran.

Hindi pa natigil ang pagputok dahil muli kaming pinaulanan ng bala ng nakabuntot sa amin. Muli namang sinundan ng putok ng kasama namin ngunit mukhang hindi pa rin niya ito masapul dahil pabagsak lang siyang napaupo ulit. Biglang nag-zigzag ang takbo namin sa pagtalsik ng kaliwang side mirror ng sasakyan sa lakas ng pagkakabaril. Napasigaw kami ni Zebbe dahil hindi kami sanay sa ganitong gulo.

"Cover your ears!" paulit-ulit na sigaw ng lalaking may kinuha na namang mas malaking baril.

"Sanay akong makipag-away sa campus at makipagtarayan sa kung sinu-sino but not like this! This is insane!" malakas pang bulalas ni Zebbe at halatang kinakabahan.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon