Chapter 22: Marupok Yarn

48 9 0
                                    

CHAPTER 22

MARUPOK YARN

"Mariyah!"

Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan, habol-habol ang hininga't yakap ang kumot na bumabalot sa buo kong katawan laban sa lamig ng paligid.

"What.. was t-that?" naguguluhan kong bulong sa sarili nang makapa ang noo't leeg na basang-basa ng pawis. Napalunok ako.

Nagising ako sa boses ni Caleb na sinisigaw ang pangalan ko. Nasapo ko ang aking noo nang bigla itong kumirot, napangiwi ako sa sakit.

"C-Caleb?"

Mas naibalot ko ang sarili ng kumot nang mapansin siyang natutulog sa gilid ng kama. Nakapatong ang ulo niya sa mga braso.

Ngingiti na sana ako sa ganda ng pagkakatitig ko sa kaniya nang marinig ko ang sariling boses. Umiiyak ako't banaag ang panghihina, galit at kagustuhang lumaban.

"Caleb... Cale—nasasaktan na ako!"

"Hindi ikaw ang Caleb na nakilala ko!"

"Ang Caleb na kilala ko'y hindi ako kayang saktan! Kung mahal mo ako, bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!"

Mabilis akong napaatras at napayakap sa mga tuhod sa ilalim ng kumot. Naalimpungatan siya.

"You stay there!" turo ko sa kaniyang nagtatakang nakatingin sa akin. Napatingin muna siya sa bintana ng kwarto bago ibinalik ang mga mata sa akin.

"Mariy—"

"No! You stay there or I'll scream for help!" pagbabanta ko ngunit mas nangilid lang ang mga luha ko nang makita ang mukha niya kagabi.

Bumalik sa akin lahat ng ginawa kong pagmamakaawa sa kaniya na hindi naman niya pinakinggan.

Iyong mga hagulgol ko.

Iyong bawat pagpupumiglas ko.

Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko!

"Mariyah, I'm so—" paghingi niya ng tawad na akma pang tatayo't lalapitan ako.

"Don't you dare—touch—me—again! You, sexually abusive selfish man! Who do you think you are, huh? A God?" Nandidiri't nanlilisik ang mga mata kong tinitigan siya.

"I begged! I shouted for help!" I breathed in and out, controlling my emotions. "I never let anyone take advantage of me but you? You, self-centered Caleb De Castro. Ang KAPAL ng mukha mo para babuyin ako! Para saktan ako ng paulit-ulit! Ano, masaya ka na, ha? Naging masaya ka ba sa ginawa mo, ha?"

Pilit kong inaaninag ang mukha niya kahit basang-basa na ang buo kong mukha ng luha.

"I'm sorry—I—uhh—I was drunk."

"Yes, you're drunk!" I exclaimed. "Pinigilan nga kita, 'di ba, dahil lasing ka? But still, here I am now, waking up questioning my worth as a woman! I'm asking myself what did I do to deserve this. Tahimik na ang buhay ko pero simula nung dumating ka, everything just went upside down!" hingal kong pagpuputol sa sinasabi. Naramdaman ko ang pag-akyat ng animo'y kuryente mula sa aking talampakan hanggang sa tuluyan nitong nilamon ang puso ko.

Pinasasakit nito ang dibdib ko't pinapabigat ang bawat paghinga ko.

"You're happy now? I hope you are—"

"No, I'm not!" ganting sigaw niya. Namumula ang mukha niya't unti-unting namuo ang mga butil ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Nasuklay ko ang buhok sa tuktok ng noo ko out of disappointment and frustration. I even bit my tongue in so much want to slap him at the very least.

Converging Souls (Revelation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon