A new family member coming soon...

69 7 2
                                    

Mukhang nahighblood talaga si Dahls sa babaeng yun, ang landi kasi kung di nga lang babae yun sinuntok na namin ni JN, parang linta kung makakapit. Di naman talaga mainitin ang ulo ni Dahls, mabait kaya yun kaya nga maraming friends yun dito sa school. Kay Gen lang ata siya nag-aalab sa inis, hindi bagay ang adjective na aso't pusa sa kanila, mas bagay ang lioness at tigre. The queen of the jungle and prince of the forest, walangs gustong magpatalo, parehas stubborn at parehas ayaw tanggapin na they are almost the same.

"Cy bilisan na natin nagtext si shy simula na ng world war 3" sabi ni JN sa akin.

I rolled my eyes at nagfacepalm, "Ang hirap pa naman awatin ang dalawang yun, kay Gen ka this time ha, ang lakas nun para kang nakikipagwrestling sa toro" 

"the fudge bro, ayaw ko nga isa pa GFko si Dahls" nakasmile na sagot ni JN sa akin.

"Ex ko naman yun at isa pa mas love ako nun kaysa sa iyo no! ikaw always outside the kulambo ahahah" biro ko pa sa kanya.

"Outside ka diyan, di kaya, umiiwas lang kami sa di pa dapat" namumulang sagot ni JN

"Magbato bato pick na lang kaya tayo, ang manalo kay Dahls" dagdag pa niya.

Hanep din makapagsuggest itong si JN, bato bato pick talaga? Pero pumayag naman ako, adik din no?

Nanalo ako, rock versus scissor. 

"Lech! I really suck at this game." yamot na turan ni JN.

Pumunta na nga kami ni JN sa office, buti na lang free period namin. Malayo pa lang kami, rinig na rinig na namin sila. Tumambay muna kami sa may pinto at nakinig.

" Sabi ngang di ko Girlfriend yun, di ba nakakaintindi iyang utak mong praning?" sigaw ni Gen 

"Like hell I'll believe you Argentum! Parang lintang bading yung babaeng yun na nakapulupot sa iyo kanina" sagot naman ni Dahly.

 "Bakit di ba pwedeng malandi lang talaga ang hitad na yun?" resbak ni Gen. 

"The hell a girl wouldn't do that not unless may relasyon talaga kayo!" sabat naman ni Dahls. 

Bumuntong hininga muna kami ni JN and braced ourselves... tumango si JN sa akin and together we opened the door, nagulat ako sa nadatnan, si Shy na lang ang nakapagitan sa kanila. 

Nakita na kami ni Shy, she mouthed "help" para na kasi siyang isang maiden na pinipigilan ang dalawang moving walls of stone. 

Nilapitan ko na si Dahly at niyakap siya from the back, naamoy ko na ang vanilla na amoy niya. The sweet yet bitter part of being close to her. Aaminin ko a part of me still loves her so much, but she belongs to someone else now, ito ako ngayon bestfriend ng boyfriend ng ex ko ahahah so weird di ba?

JN also pulled Argen by the arm na, we have to stop this na or else World War 3 talaga mangyayari, andito pa naman kami sa school. 

"Dahls, Gen could you two talk about it in a more calm manner? yung mahina konti yung boses?" sabi ni JN sa kanila. 

"SURE!" medyo pasigaw pa rin na sagot nila.

"Hinaan pa ng konti please" nakasmile na sabi ni JN ulit. 

Bumuntong hininga silang dalawa. Umupo na si Dahly sa swivel chair niya at si Argen umupo na sa harap ng office table ni Dahls. I leaned on the wall behind Dahly, si JN naman nakatayo sa likod ni Argen. Better ready kami, parehas pa naman maypagka bipolar ang dalawang ito. 

"Ewan ko sa iyo Argen! Spill it, who is that girl? ano kayo? everything... I'll try to keep my mouth shout" sabi ni Dahls habang hinihilot ang temple niya. 

Silverthorne Series - Angels and DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon