"Kringgggggg kringggggg"
Nagising ako dahil sa aking maingay na alarm. Agad na akong naligo dahil ngayon ang unang araw ko bilang estudyante. After I finished bathing kumuha ako ng tuwalya at binuksan ko muna ang malalaking bintana para naman maging maaliwalas dito sa aking kwarto.
Nagbihis na ako ng uniform at inayos ang aking mga gamit na dadalhin. Dahil matagal pa naman ang aking pasok ngunit tapos na akong maghanda ay bumaba muna ako sa sala.
"Good morning ate" Pagbati ko kay ate nang makita ko ito sa salang naghahanda ng pagkain na aming kakainin.
"Good morning oslo umupo ka na dito kakain na tayo" pag imbita saking kumain ni ate.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain tungkol sa mga update sa buhay tulad ng kung ano ang mga ganap sa buhay namin ni mama noong nasa probinsya pa kami. Matapos kumain ay nagpresenta na akong maghugas ng pingggan.
Dahil maaga akong nagising sa sobrang excited ay marami pa akong free time kaya naman napagdesisyunan kong manood muna sa sala ng isang episode ng isang random series na nakita ko lang sa netflix.
"Ateeee papasok na po ako" pagpapaalam ko kay ate matapos kong napagdesisyunang umalis na matapos ang isang episode ng pinapanood.
"Mag-ingat ka ha! Wag kang mahihiyang maghanap ng mga kaibigan bukas ako na maghahatid sayo" saad ni ate.
"Opooooo" huli kong sigaw bago lumabas ng bahay.
Dahil inaayos ang kotse ni ate ngayong araw ay mag-cocommute muna ako sumakay ako ng tricycle at pagkatapos nama'y jeep at agad rin akong nakarating sa aming eskwelahan. Pagtingin ko sa aking orasan ay meron na lamang akong 7 minutes para hanapin ang aking room. Nagsisisi naman ako dahil dapat pala ay mas inagahan ko ang pagpasok dahil di ko inasahang sobrang laki pala ng university na ito.
Nagtanong na lamang ako sa mga estudyanteng nararaanan ko kung nasaan ba ang room 2-A para mas mapadali ang paghahanap ko kaya naman nakarating rin naman ako on-time at wala pa namang teacher sa harapan.
Pagkarating ko sa aming room ay may mga kaklase na akong mukhang nagfoform na ng friendships at factions. Meron namang mukhang magkakilala na from previous years at meron rin namang mga naka-earphones na mukhang iniiwasan ang pakikipag usap sa iba. Our room is actually big for approximately 30 students hindi katulad sa previous school ko na 52 students kami sa isang kwarto at dikit-dikit ang mga upuan kumpara dito na one seat apart.
"Hey class good morning!!" Panimulang pagbati ng aming guro matapos nyang pumasok sa aming classroom. "First of all pick your number for your seat" pagtukoy ng aming guro sa mga upuan naming may mga numero.
Dahil nag-unahan na ang aking mga kaklase at wala naman akong balak na makipagsiksikan para makipag-unahan upang makapili ng upuan ay medyo nasa dulo ang aking upuan. Medyo nakakairita kasi mas magiging mahirap makinig at mag-take ng notes kung mas malayo ka sa board.
"Ouch" Papa-upo na ako ng biglang may bumangga sakin. "Hey that hurts" pagsaway ko naman sa bumangga sa akin.
Tiningnan nya lang ako at dumiretso na sa kanyang upuan which is sa likod lang ng upuan ko. Bago pa sya umupo ng padabog ay tiningnan nya muna ako ng masama.
Punyeta tong lalaking to hindi man lang nag-sorry tiningnan pa ako ng masama at dinabugan na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nabunggo kung wala lang kami sa classroom ngayon pepektusan ko talaga to.
Hindi ko alam pero pamilyar ang mukha ng punyetang toh. Meron syang hazel eyes, gulo-gulong mga buhok at may makapal na eyeglasses. Pamilyar siya pero di ko maalala kung saan ko siya nakita o nakasalubong.
" Students, you need to answer this survey questions, you fill the empty boxes and write your feedback about our school. Get one and pass it to your back" sabi ng teacher matapos nitong bigyan ng papel ang mga estudyanteng nasa unahan ng bawat row.
pinasa naman sakin ng nasa harapan ko ang mga papel. Ipinasa ko naman ang survey papers sa lalaking nasa likod ko pero parang wala etong paki na nakatingin lamang sa bintana habang nakikinig ng music sa kanyang earphone.
"Heyy kumuha ka na" pag-abot ko ng papel rito ngunit pawang di naman nito eto pinapansin.
Unting timpi na lang talaga ay pupugutan ko ng ulo ang lalaking eto na mukhang nasobrahan sa sama ng loob.
Dahil sa lakas ng apog nitong lalaki na to ay ako na lang ang nag-adjust upang tumayo at lumapit sa desk nya.
"Hoyyy survey papers mo!" Pagalit kong sabi.
"Don't touch me" Tinabig nya pa ang hawak kong survey paper na ipinapasa ko sa kanya.
Kinuha nya lamang ang nahulog na survey paper at nilagay ito sa desk nya na parang walang nangyari.
Nang makita ko na parang wala lang eto sa kanya ay agad akong bumalik sa upuan ng padabog. Sino ba namang hindi maiiinis sa ugali ng lalaking ito
Hayysst meron lang talaga sigurong mga tao ang pinaglihi sa sama ng loob. Kinalma ko ang sarili ko at tumingin na lamang sa harapan.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!