Chapter 10

162 9 0
                                    



Hanna's pov


"Hanna tulungan mo daw si Bill na ibalik at ayusin yung mga files na ito sa may storage room ng mga teacher. Kanina pa yon nandoon si Bill hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik." utos sa akin ng isa sa aking mga kaklase.






Kaagad ko namang binuhat ang mga folders at sinunod na lamang ang kanyang utos.







Habang papunta sa storage room ay nakasalubong ko sa hallway ang powerpuff girls at nakatingin sila sa akin ng masama.






Dahil ako'y na-iintimidate sa kanilang mga titig ay yumuko na lamang ako at nilagpasan sila.




Nang makarating sa storage room ay kaagad kong pinasok sa kani-kanilang mga cabinets ang mga files.




Sabi ng kaklase ko ay nauna na daw dito si Bill pero wala naman sya dito at mukhang kanina pa ito nakaalis.




Nang matapos ko na ang paglagay ng folders ay pinatay ko na sana ang mga ilaw dahil nalagay ko na lahat ng files.




"Blaaahhhhg" Malakas na tunog ng pintuan.




Nang tingnan ko ang pintuan ay bigla itong sumarado kaya naman kaagad ko itong sinubukang buksan ngunit ayaw naman nitong bumukas.




"Tulongggggg!! Na lockedddd ako dito!!!! Arggghhhh" Paghingi ko ng tulong mula sa mga taong maaaring makarinig sa akin sa labas.




Sinubukan ko pang hampasin ng pauli-ulit ang pintuan. Nagbabaka sakaling may makarinig sa akin.



"Ano ba yan napaka-ingay naman" salita na nagmula sa boses ng isang lalaki mula sa aking likod.




Dahil sa aking narinig ay kinilabutan ako kaya naman pumikit na lamang ako at nagsisigaw habang pinaghahampas ang pintuan ng storage room.




"Huhuhuhu tulonggggg, tulonggggg, hellllpppp!"





"Hoy napaka-ingay mo. Kung ayaw mong magpatulog lumayas ka na lang dito hmmmpp"




Dahil sa aking narinig ay hinarap ko kung kanino nanggagaling ang boses. Pagkaharap ko ay si Bill lang pala.


"Paano ka napunta dito???!!!" Pagalit kong tanong sa kanya.




"Ako tong nauna sayo dito. Natutulog lang ako sa ilalim ng desk nang magsisisigaw ka dyan kaya naman nagising ako" pagrarason nito.




"Ehhh bat ka ba kasi jan natutulog. Kanina ka pa kaya hinahanap ng mga kaklase natin sa room." Sabi ko sa kanya.




"Kung babalik ako sa room may panibago nanamang mag-uutos sakin hayyyyst" dahilan ni Bill.



Napataray na lamang ako dito dahil hindi man lang sya umangal ng binoto namin sya bilang president ng room ngayon nagrereklamo na ito sa mga obligasyon nito.



"Patulog-tulog ka dyan. Nasiraduhan na tayo ng pintuan hindi mo manlang alam" nagpunas pa itong si Bill ng muta na parang walang pakialam sa mga pangyayari.



"May cellphone ka ba?? Try mong tawagan sina Oslo o di kaya si Ofelia" pagutos ni bill sa akin.




Hinablot ko naman kaagad ang aking cellphone mula sa aking bulsa at tinype ko kaagad ang aking message.



"Message not sent"



"Hoyy Bill wala pala akong load" napapikit na lamang ito dahil sa pagkadismaya.




Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon