Chapter 44

93 7 0
                                    

Nakahiga lang ako sa kama matapos ng mahaba kong pagtulog ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad ko itong kinuha sa aking side table at doon ko nakita na nagrerequest ng group video call sa messenger si Ofelia sa gc naming magkakaibigan.

Kaagad ko naman itong sinagot at doon ko nakita ang mukha nina Bill, Hanna, Ofelia at ni Oscar.

"Kaaga-aga nambubulabog ka Ofelia" Reklamo ko sa kanya.


"Guyss mag-bonding tayo bago magpasukan. May event daw mamaya sa T****r park may mga banda daw na kakanta. Ano g ba kayo---?" Tanong sa amin ni Ofelia.


"Actually kahit di mo ako tanungin pupunta talaga ako eh" Saad naman ni Oscar na mukhang kakagising lang. I can't deny that he's really charming with his morning face. He looks adorable.


"Sasama ako basta sasama si Hanna." Saad ni Bill. Namula naman si Hanna nang marinig ang sinabi ni Bill. Hindi na naman kami nagulat dahil halata naman na merong something sa kanila ni Bill.


"G ka ba Hanna?" Tanong ni Ofelia matapos nitong marinig ang sinabi ni Bill.

"Papaalam muna ako pero piling ko papayagan naman ako kaya wag kayong mag-alala." Sagot naman ni Hanna.

"Pupunta ako mamaya dyan sa bahay nyo pag pinayagan ka ako na maghahatid sayo" Pagsingit ni Bill nang magsalita si Hanna.


"Oo na Bill , tama naaaa! Edi kayo nang dalawa" Pag-iinarte naman ni Ofelia na ikinatawa naming dalawa ni Oscar.

"Sasama ako guys. Sure namang papayagan ako" Saad ko naman sa kanila. Hindi naman strikto si mama pagdating sa galaan dahil may tiwala naman ito sa akin na hindi ako gagawa ng mga kalokohan na ikapapahamak ko.


"Ohh yorn naman pala eh mukhang makakasama lahat so kita kita na lang tayo later sa harap ng park byeeeeeee" Huling sabi ni Ofelia. Nagpaalam na rin kami sa bawat isa bago ibinaba ang cp.


Kaagad naman akong bumaba sa sala upang magpaalam kay mama at doon ko sila nakita sa sala na kumakain ng breakfast. Umupo naman ako sa tabi nila at kumuha ng pinggan at kaagad na nakisabay sa kanilang kumain.


"Ma, magkikita kami ng mga friends ko mamaya sa T****r park kasi may concert daw yung mga sikat na banda. Gusto sana namin magliwaliw bago kami pumasok sa school" Pagpapaalam ko kay mama habang nginunguya ang pagkain ko.


"Pupunta ka doon??? Niyaya ako ng mga workmates ko na pumunta jan pero di ako sumama dahil mas gusto kong matulog ngayong day-off ko" Sabi din ni ate.



"Papayag ako basta mag-ingat ka" Sagot ni mama sa pagpapaalam ko. Matapos kumain ay ako na ang nagrepresenta na maghugas ng pinagkainan namin.


Habang naghihintay na magtanghali ay nanood muna ako ng mga series at gumawa ng mga gawaing bahay. Nang dumating na ang oras na hinihintay ko ay kaagad na akong umakyat sa taas at kaagad na nagbihis ng pang-alis.


Nang makabihis ay kaagad na akong nagpaalam kina mama at ate. Hindi na ako nagpahatid kay ate dahil alam ko namang gusto nitong matulog ngayong araw kaya nag-commute na lamang ako.



Pagdating ko sa pinagusapan naming lugar ng hintayan ay nakita ko na sina Oscar at Ofelia kaya naman kaagad akong pumunta sa direksyon nila.


Ilang minuto lang ay dumating na rin sina Hanna at Bill sa iisang sasakyan. Mukhang may dala pang sasakyan si Bill para magpa-impress kay Hanna.

"Tangina yayamanin ka pala Bill may dala pang sasakyan HAHAHHA" Singhal ni Hanna nang makalapit sina Hanna at Bill sa amin. Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Ofelia buti naman at walang nangyaring gulo dahil hindi na lamang pinansin ni Bill ang mga pang-aasar ni Ofelia. Pikunin pa naman tong si Bill.


Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon