Chapter 29

116 7 0
                                    

Matapos ang engkwentro namin kanina ni Claire ay kaagad akong umuwi ng bahay. Di ko man lang namalayan na nakauwi na ako dahil buong byahe ay pinapatay ko sya sa aking utak.




Gusto ko syang patayin sa aking utak pero ang mga last words ko siguro kanina ay sapat na para makaganti sa kanya. Kung iisipin ang badass ng mga pinagsasabi ko kanina, nakakatawa yung reaction nya ng magretaliate ako sa kanya kanina *evil laugh.



Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni ate. Nakita ko itong hinahanda ang mga ulam naming mukhang binili nya lang rin sa labas habang papauwi sya sa kanyang work.




"Hi atee!!" Pagbati ko sa kanya.



"Kumain ka muna sandali bago umakyat sa kwarto mo. Kamusta araw mo??" Tanong nito.



Umupo muna ako sa mesa at kumuha ng makakain bago sagutin ang kanyang mga katanungan.




"Okay naman ate." Pagsisinungaling ko. Kakaiba ang araw ko ngayon ngunit ayaw ko naman ikwento lahat kay ate dahil baka mamaya mag-alala pa ito sa akin.





Pagkatapos kong kumain ay kaagad rin akong umakyat sa kwarto ko at kaagad na nagbihis. Nang matapos akong magbihis ay umupo muna ako sa aking kama at habang nakaupo ay biglang nagflashback sa aking utak lahat ng mga nangyari ngayong araw.





"Whhaaaaaaaaaaa!!!" Napasigaw naman ako dahil masyadong chaotic ang buhay ko ngayon siguro kung hindi akong nagpanggap na jowa ni Rufus ay di rin ako lalapitan ni Claire.




"Hoyyy anong nangyayari sayo jan Oslo!!!" May pag-alalang sigaw ng ate ko matapos nitong marinig ang pagsigaw ko.





"Nakakita lang po ako ng ipis pero wala naaaa!" Sigaw ko rin upang marinig nya mula sa baba.




Napahilamos naman ako ng mukha dahil masyado lamang akong nag-ooverthink sa mga bagay-bagay.




Kaagad akong tumungo sa aking study table at kumuha ng mga libro at notebook ko dahil kailangan kong ireview lahat ng mga lessons ng mga subject na inabsent ko kanina atsaka maganda na ring pang substitute itong magreview kesa naman magoverthink.




Nagbuklat na lamang ako ng mga libro upang magbasa. Pinilit ko na lamang ituon ang aking atensyon sa pagconcentrate sa aking mga binabasa. pinipilit ko rin na intindihin ang mga nilalaman ng libro ngunit magsisinungaling ako kung hindi ko aamining hindi dumadaan sa aking utak ang mga pag-aalala dahil sa bilis ng mga pangyayaring nagaganap.





Nawala naman ako sa pag-concentrate nang tumunog ang aking cellphone saking bulsa. Kinuha ko naman kaagad ito at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin.




"Oslo, I already sent the softcopy of the reviewers that you wanted on your email" Text mula kay Oscar.




Doon ko naalalang nagpasend nga pala ako ng mga dati nyang reviewers. Kaagad ko namang chineck ang aking email at doon ko nakitang sinend nya na nga talaga ang mga limpak-limpak na mga reviewers.



"Thank you so muchh bilang pasasalamat pwede ba kitang ilibre ng dinner" pagtype ko sa aking cellphone.



Namula naman kaagad ako sa mga pinagtatype ko kaya naman pinagbubura ko ulit lahat ng mga pinagtatype ko.





Masasabi kong hanggang ngayon ay may paghanga pa rin ako kay Oscar. Tinitingala ko sya bilang senior at mabuting kaibigan. But there is something inside me that is weirded out by the thought of Oscar and me being together. I don't know why but the thought just feels strange.






Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon