Chapter 7

185 14 0
                                    

"Ikaw yung lalaki sa bar dati diba?" Tanong ko sa lalaking kakarating lamang.



Tiningnan ako ng lalaki ng may mayabang na ngiti sa kanyang labi. Mukhang costumer nila itong babae na galing sa bar dahil medyo tipsy pa ito at nakasuot pa ng uniform itong lalaki.





"Oh my god you know this bitch?? You shouldn't interact with this kind of people" Maarteng sabi nitong babaeng kaharap ko.






"Miss ikaw ang unang nangbangga sakin tas ikaw pa ang galit tsssk" pagrarason ko sa babaeng ito.



"So ano ngayon?? Are you going to be high and mighty? Ambata mo pa lang bastos ka na hmmph" napairap na lang ako dahil ginagamit nya pa ang kanyang age to earn respect which is infuriating.



Nakatingin lamang sa amin ang lalaki habang nagpapalitan kaming dalawa ng babaeng nakabangga sa akin ng mga matatalas na salita.




"Heyy protect me from this bitch. Itong hampaslupa na ito pinagsasabihan ako ng mga masasakit na salita huhuhu" pagpapa-awa pa nitong bruha na ito sa lalaki.






"Hey wag ka nang magalit sige ka magkakaroon ka ng maraming wrinkles nyan. " Pagpapakalma nito sa babae.




"Mr. bakit kasi hindi ka na lang mag sorry" pagtanong ng lalaki sa akin.




Dahil sa sinabi nito ay hindi maiwasang mapakurba ng mga kilay ko. Pinapainit nga naman talaga ng lalaking kaharap ko ang ulo ko.



"Hindi ka ba marunong mag differentiate ng tama at mali?? Sya nga ang nakabangga sa akin" pataray kong sabi sa lalaki.



"Ako yung naglalakad ng maayos dito. Itong babaeng toh mukhang nakainom pa ng kaunti galing sa bar nyo kaya hindi na nakakapagtaka na puwedeng makabangga ng tao, pero yung sya na nakabangga ako pa magsosorry hmmmp sorry there is no way i will apologize to her" may paninindigan ko pang sabi.




"Bat mo naman na naisip na mag-aapologize ako sayo? Hindi mo ba ako kilala?" May pagmamalaking saad ng babae.


Napataray na lang ako sa kanyang sinasabi mukhang ipagyayabang nya pa kung gaano sya kayaman o makapangyarihan pwes wala akong paki kung sino pa man sya. Sya ang nagkamali at nakabangga sa akin pero bakit ako pa ang gusto nyang mag-apologize hindi naman pwede yon.




"Heyy hindi ba may pupuntahan ka pang importanteng meeting?" Biglang pagsingit ng lalaki sa kaaway kong babae.


Dahil sa sinabi ng lalaking server ay napadabog na lamang ang babaeng pumunta sa kanyang kotse. Nang napaandar nya na ang kanyang kotse ay binuksan nito ang side window at tiningnan ako ng masama.




"Wag ka talagang magpapakita sakin hampaslupa" sigaw pa nito sa akin.  Hindi ko naman makakalimutang pabaunan ito ng isang malutong na middle finger bago sya umalis.


Tumahimik ang paligid nang umalis ang bruhang iyon dahil naiwan kaming dalawa ng lalaking ito.


Naalala ko pa nang una akong pumunta ng maynila at sinama ako nina ate sa bar ay nakasama ko ang lalaking ito dahil isa sya sa mga server sa bar na iyon at natatandaan ko pa ang huling sinabi nito--- " As a welcome next time when you see me, look for me"



"Akala ko ba noong huli tayong nagkita pag may kailangan ako pwede akong lumapit sayo?? Pfftt sounds like a lie to me" sabi ko sa lalaki.


"Hahhahahah isa lang yon sa paraan para maka attract ng customers atsaka I haven't seen you for a long time" sagot nito.



Nainis na lamang ako dahil sa sinabi nito. Nang una ko syang nakita at nakilala sa bar ay talaga nga namang napahanga ako dahil sa kabaitan nito yon pala pampahatak customers lang yung pagbabait-baitan nito.




"Seems like I'm not the best service for you" bulong nito sa aking tenga.



Dahil sa pagbulong nito sa aking tenga ay napaatras na lamang ako sa patalukod nang mapagtanto kong nabangga na pala ng aking likod ang pader. Ngunit kahit na umatras ako ay mas lalo pa nitong nilapit ng bahagya ang kanyang mukha.



Nang mapatitig ako sa kanyang mukha ay talaga nga namang kaakit-akit pa rin ito ngunit sobrang-sobrang familiar ng kanyang mukha ngunit hindi ko lamang ma-point out kung saan ko sya huling nakita.



"Bat ka ganyan makatitig masyado ba akong gwapo" namula naman ang aking pisngi dahil sa pang-aalaska nito.


"Tssk gwapo? Masama naman ang ugali mo. Pag hindi nyo costumer walang value sayo ganon??" Sabi ko.




"If you don't bring any income why would I care about you" confident nitong sabi habang naka-ngisi.



"Or if you like pumunta ka sa bar namin so that I can serve you to your heart's content" dagdag pa nito.



"So pag pera ang usapan magiging obedient ka ng parang aso?" May hamon kong saad sa kanya.



Napataas naman ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko.


"Aba kung marami kang pera why not??" Sagot nito sa tanong ko.



Tsssk wala naman akong pera kundi bente lamang sa bulsa ko atsaka di naman ako magwawaldas ng pera para sa kurikong nato nohh. Quotang quota na talaga ako sa kaepalan ng lalaking eto kaya naman nag-iinit na ang aking ulo.



"Ahhhhhhhhhh" Malakas na pagsigaw nito dahil sinipa ko ang kanyang betlog.



Matapos ng kanyang malakas na pagsigaw tumakbo na agad ako.




"Sick bastardddd!!!" Sigaw ko pa rito habang tumatakbo at nakikita ko syang maluha-luha dahil sa sakit ng pagsipa ko sa kanyang little junjun.







Nang makalayo na ako ay dahan-dahan na akong naglakad at napatawa ng malakas dahil sa naalala ko ang kanyang mukha ng sinipa ko ang kanyang junjun.



Hindi ko alam kung masama o maganda ba ang araw ko ngayon dahil napansin nga ako ni oscar ngunit nakakapanira naman ng araw iyong babaeng nakabangga sa akin lalo na ang lalaking iyon.


"Peep peep" pagbusina ng isang jeep.



"Hoy gusto mo bang mamatay?" Sigaw ng isang mamang driver


"Sorry po manong hihi" paghingi ko ng tawad kay manong driver.



Tumabi na ako sa sidewalk dahil baka tuluyan na akong mabundol dahil sa sobrang occupied ng utak ko sa dami ng ganap ngayong araw. Binilisan ko na lamang ang aking paglakad nang makauwi na ako sa bahay at makatulog na.



Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon