Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking alarm ngunit hinayaan ko lang muna ito ng ilang mga minuto dahil talagang antok na antok pa ako. Dahil sa sobrang excited ko sa gaganaping field trip ay hindi ako masyadong nakatulog ayan tuloy parang bangag ako ngayong pagkagising. Dahil sa nairita na talaga ako sa tunog ng aking alarm ay kaagad ko na rin itong pinatay at kumuha ng towel dahil ako'y maliligo na.Papunta pa lang ako ng CR nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bedside table kaya naman bumalik ulit ako sa aking kama at kaagad na sinagot ang tawag.
"GISIIIIIIIIIIIINNNNGGG NAAAAAA!!!!!!!" Napataray na lamang ako matapos kong marinig ang nakakairitang mga sigaw ni Ofelia.
"Gising na ako daiii. Masyado ka namang excited." Saad ko sa kanya.
"Malay mo malate ka mismo sa araw ng field trip ampangit naman kung ganon yung mangyayari pero as your beautiful friend I am here to be your alarm and your saviour" napailing na lang talaga ako dahil sa mga kalokohan nitong naiiisip.
"Sige na, gising na gising na ako dahil sa pangit ng boses mo. Kita na lang tayo mamaya dahil maliligo pa ako tas maghahanda ng mga bagay na dadalhin ko" sabi ko.
" Sige byee, dala ka nga pala ng maraming snacks ha! Sige byeeee" Kaagad ko ring binaba ang telepono sapagkat baka mamaya hindi nanaman matigil ang bunganga nitong si Ofelia.
Dumiretso na ako sa CR upang maligo ngunit pagkabukas ko palang ng shower ay talagang nagising ang diwa ko dahil sa sobrang lamig ng tubig kaya naman medyo binilisan ko na ang aking paliligo.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad rin akong nagbihis at doon ko nakitang inihahanda na ni ate ang mga pagkain kong babaunin sa field trip.
"Good morning ate" pagbati ko kay ate.
"Good morning, kumain ka na may ulam na akong niluto" saad ni ate.
"Sigurado ka na bang naligpit mo na nang maigi yang mga gamit na dadalhin mo?" Tanong ni ate.
"Opo, ate dinouble check ko na yan kagabi" saad ko.
Kumain lamang ako ng kakaunti dahil baka mamaya ay sumakit ang tiyan ko sa kalagitnaan ng byahe masyado namang nakakahiya kung ipapatigil ko pa ang bus para dumumi sa isang gas station (ب_ب).
Pagkatapos kumain ay kaagad na akong sumakay sa sasakyan dahil ihahatid ako ni ate papunta sa university kung saan namin hihintayin ang bus.
Matapos ang mabilis na byahe papuntang school ay nakarating na rin kami sa harap ng university at talagang kitang-kita mo ang pila-pilang mga bus mula sa hinintuan ng sasakyan namin.
"Bye ate alis na po ako" pagpapaalam ko kay ate.
"Wag kang gumawa ng kalokohan doon ha!! Tawagan mo kaagad ako kapag may nangyari.... Ingat oslo, mag-iingat kayo doon." bilin ni ate.
Tinanguan ko na lamang si ate at kaagad na hinanap kung saan nga ba naka-parking ang bus ng aming section. Para hindi na ako mahirapan sa paghahanap ay tinawagan ko na lamang si Ofelia.
"Bakss asan na kayo bat di ko kayo mahanap??" Tanong ko sa kanya.
"Dito kami sa harap ng engineering building dzaii medyo marami-rami na rin kami kaya dalian mo na" saad ni Ofelia.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!