Chapter 25

120 5 0
                                    


This time lahat na ng aking mga kaklase  ay nagsipag-gisingan dahil ang dinadaanan ng aming bus ay medyo bako-bako na. Halata mong excited na ang ilan sa kanila dahil sa medyo magubat na ang dinadaanan namin na ang ibig sabihin ay malapit na kami sa bundok. Si Oscar naman ay natutulog ngayon sa aking tabi kaya naman hindi ko na ito ginambala pa.





Eto namang sina Hanna at Ofelia ay walang tigil sa kakakain ng mga chips. Andami pala nilang binili kanina noong huminto kami sa convenience store.






"Omg i'm so excited, may ilog daw dito sa bundok tapos doon tayo maliligo" excited na saad ni Hanna kay Ofelia.



Dahil nasa harapan lang namin sina Ofelia at Hanna ay rinig na rinig ko ang kanilang mga usapan. Dahil sa medyo nagugutom na rin ako ay kumuha rin ako ng chips na nabili ko rin kanina sa convenience store.



"Hala! Nakakahiya naman maligo kasama yung iba nating mga classmate" malakas na react naman ni Ofelia matapos nitong marinig ang sabi ni Hanna.




"Sa katawan mong yan walang babalak na sisilip dyan nohh. Magkakuliti pa yung sisilip sayo jan" Natawa naman ako ng biglang sumingit si Bill sa usapan nila. Kahit kasi nasa likod ko sina Bill ay rinig na rinig pa rin ang boses ni Ofelia dahil sobrang lakas nito.





Kaagad naman akong kumuha ng tubig sa bag dahil baka mabilaukan pa ako dahil sa kalokohan ng mga kasama ko.



Maya-maya pa ay nang medyo umunti ang puno sa aming dinadaanan ay doon na namin nakita ang bundok kung saan kami pupunta.





Ilang sandali pa ay huminto na ang aming bus sa bandang paanan ng isang bundok. Nakita namin na  ang ilan sa mga section ay nagsimula ng magsiakyatan ng bundok.



Napunta naman ang aming atensyon sa harapan ng bus nang biglang pumasok ang isang teacher mula sa ibang section at pinaliwanag ang kailangan naming gawin.



"So dahil hindi pwedeng umakyat ang mga bus sa bundok ay kailangan nating maglakad ng sandali lamang para makaakyat sa camp natin. Don't worry hindi nyo naman aakyatin talaga yung tuktok ng bundok dahil nasa bandang gitna lamang ang camp" pagpapaliwanag ng teacher sa amin.




Napataray naman ang iba kong mga kaklase nang malaman nila na kailangan pa pala naming maglakad para makapunta sa site namin.





"So habang umaakyat ay mag-ingat lamang tayo para walang aksidente na mangyari, huwag rin kayong maghihiwa-hiwalay dahil sabay sabay kayong aakyat hanggang makarating sa site. Mr. Oscar since you're in charge of this section please guide them til you reach the camp. So ayun lang lahat.Thank you" Dagdag pa nito.






Dahil sa sobrang excited ay nag-unahan nang magsilabasan ang ilan sa aking mga kaklase. Chineck ko naman muna ang mga dala kong bag dahil ayaw ko namang may maiwan akong gamit dito sa bus. Nang masigurado kong nacheck ko na ang aking gamit ay tumayo na rin kami ni Oscar pababa ng bus.




Pagkababa namin ng bus ay pinapila na kami ni Oscar upang icheck ang aming attendance. Maya-maya pa'y nagsimula na rin kaming umakyat papuntang bundok.





"Ano ba yan hindi naman ako nainform na pagbaba palang natin ng bus may pa-physical challenges na kaburyong" reklamo naman nitong si Bill.




Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy na lang ang paglakad. Sampung minuto pa lang kaming naglalakad ngunit nauhaw kaagad ako. Siguro kasi ay hindi lang talaga ako sana'y sa mga ganitong gawain dahil taong bahay lang naman ako at hindi sanay sa mga sporty activities.




Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon