Chapter 3

291 16 0
                                    

Matapos bumalik sa aking upuan ay di ko muna inisip ang lalaking ito dahil makakalbo lamang ako sa sobrang stress dahil sa kasungitan nito. Tumingin na lamang ako sa harapan dahil sa kasalukuyan ay nagpipilian kami ng mga class officers.



Ang napiling president ay si Bill. Mukha naman siyang magaling mamuno atsaka pinili rin namin sya dahil siya ang may pinakamataas na grado sa amin.


"I am nominating Oslo Sanchez for vice president" saad naman ng lalaking nasa likod ko.


Dahil sa narinig ko ay tiningnan ko sya ng masama at ang kolokoy ay tiningnan lang ako ng may blangkong mukha.



"Wala na ba kayong balak magnominate na iba for vice president?? Dahil kung wala na kayong inonominate ay si Oslo na ang ating magiging vice president" saad ng aming guro.



Wala na namang nagsalita sa aming klase kaya naman naging tiyak na ako ang magiging vice president. Kung sabagay ay halos wala namang ginagawa ang vice president mas marami pa nga ang gawa ng secretary kaya naman di na ako umangal pa.





Pero hindi ibig sabihin noon ay makakalimutan ko na ang ginawa ng demonyong lalaki na to. Isa pa sa pinagtataka ko ay paano nalaman ng lalaking ito ang buong pangalan ko??



Dahil sa mahabang pag-iisip ay di ko namalayang tapos na pala ang class election at tumunog na rin ang bell.


" Oslo at Bill may ibibigay muna ako sa inyo bago kayo umalis" saad ng aming guro bago pa kami lumabas ng silid-aralan.


Hinalungkat ni maam ang mini cabinet nya sa desk at naglabas sya ng mga papel.


"Master list natin yan. Now I want you to check the attendance everyday kahit na nag-aattendance na ang teacher nyo ay gusto ko paring itrack ninyo ang mga absences ng bawat estudyante, malinaw?"



"Malinaw po maam" sabay na sagot namin ni bill.

"By the way may nakalagay na dyan na mga number of seats ng bawat estudyante. Okay pwede na kayong umalis" sabi ni maam





Matapos naming magpaalam sa aming guro ay umupo muna kami ni bill sa isang mesa sa labas ng classroom namin upang ayusin ang mga papel.

"Oslo ikaw muna magtago netong master list ha" pakiusap ni bill




"Okay lang" sagot ko naman





Habang inaayos namin ang mga papel ay napaisip ako kung ano nga ba ang pangalan ng masungit na lalaking nakaupo sa likuran ko??  Dahil sa pagtataka ay hinanap ko ang kanyang pangalan sa listahan base sa kanyang seat number.

"Seat. 38. Rufus Garcia,.  
Address:   201 Acacia subdivision" bulong ko.

"Ano yon???" Tanong ni bill

"Wala, wala" sagot ko naman




Pamilyar ang mukha netong rufus na ito ngunit sa unique ng ngalan nito ngayon ko lang naman narinig ang pangalan nito. Naalala ko rin na nadadaanan ng jeep na aking sinasakyan ang subdivision kung saan ito nakatira .

"Sige oslo mauna na ako baka nandyan na yung sundo ko" pagpapaalam ni bill.






Tinanguan ko na lamang ito atsaka tumakbo na sya paalis. Matapos nyang umalis ay tumayo na rin ako upang umuwi na, dahil sa  magco-commute lang naman ako dahil wala namang naghihintay at magsusundo sa akin ay dahan-dahan lang akong maglakad.






"Hmphhh aahasin mo rin ba ang boyfriend ko?? Hindi na ako magtataka kung magawa mo ngang gawin, natural na kasi yata yang kati mo". Mga tinig na narinig ko sa banyo.

"Ano di ka ba magsasalita" dagdag pa ng babaeng nagsasalita.





Dahil sa aking pag-kacurios ay sinilip ko kung sino ang mga taong nasa loob ng banyo.

Nakita ko si Hanna na pinapalibutan ng tatlong babae na mukhang galing sa kabilang section.





"Hindi ako nakikipagbiro sayo" sambit ng isang babae na galing sa kabilang section. Hinawakan nya ang buhok ni Hanna na pawang sasabunutan ito kung hindi ito magsasalita.

Dahil sa aking nakita ay agad-agad akong nag-isip ng solusyon upang hindi nila masaktan si hanna.




"Hi, maam magbabanyo rin po kayo?" Malakas kong sambit upang matakot ang mga babaeng naghahamon ng away.

"Teacher?" Bulong ng isang babaeng mula sa grupo ng mga babae.





Dahil sa narinig ay lumabas na ang tatlong mga babae. "Babalikan ka namin" huli pa nitong sambit kay Hanna bago lumabas.




Nang masigurado ko nang nakalabas na ang tatlong babae ay umalis na rin ako upang makauwi na.



Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinasabi noong tatlong babae ngunit kung titingnan mo si Hanna ay mukha itong inosente at walang bahid ng kung ano man ang pinagsasabi ng tatlong iyon. Maaaring ingit lamang sila dahil si Hanna ang isa sa mga tinitingala ng mga lalaki sa aming paaralan. Pero sino ba ako para pakialaman ang mga buhay nila? Sila pa rin ang bahala kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila duhhh.






"Heyyyy" pagsigaw ni Hanna

Dahil sa mukhang ako ang tinatawag nya ay huminto ako. Tumakbo si Hannah papunta sa akin.

"Thank you" saad niya



"Huh??" Maang-maangan kong sabi na parang di ko alam ang tinutukoy neto.



"Alam kong ikaw yung tumulong sa akin kanina para hindi ako masaktan noong mga babaeng iyon" sabi niya.

Nginitian ko na lamang siya bilang pagtanggap sa kanyang pasasalamat





Matapos nyang magpasalamat ay umalis na rin siya dahil mukhang dumating na ang kanyang sundong sasakyan.




Nang makalabas na ako ng aming eskwelahan ay nakita ko ang masungit na lalaking na nakaupo sa likuran ko na si Rufus  na tumawid papuntang kabilang kalsada dahil dito ay di ko maiwasang magtaka dahil base sa aking nakita sa binigay na master list ay nakatira ito sa acacia subdivision na dadaanan ko lang rin.





Di ko magawang matampal ang aking sarili. Hindi ba pwedeng may pupuntahan lang o bibilhin ang tao kaya papunta sa kabilang kalsada masyado na yata akong nagiging pakialamero.





Agad na rin akong naglakad upang makasakay sa dyip upang hindi na ako maabutan ng traffic para naman makapagpahinga na ako at makauwi na sa bahay.





Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon