Ngayon ay araw ng program namin para sa buwan ng wika at dahil maraming visitors mula sa ibang mga school ang pumapasok sa aming university sa tuwing may program ay kailangang magtayo ng booths kada section for entertainment.
Lakas maka foundation day ang lagay ng aming school kapag may programs. Ineencourage kasi ang bawat section na magtayo ng booths para naman lahat ng visitors sa aming school ay maentertain dahil ang main program ay gaganapin pa mamayang hapon.
Kahit medyo maaga pa lang ay nandito na kaming lahat sa school ground para buohin ang magiging booth ng aming section. Ngayon ay si Ofelia lang ang kasama ko kasi may dress rehearsal si Hanna dahil mamayang hapon na ang main event na kung saan sila ni Oscar ang magiging host. Ang naisip naming gawing booth ay anime booth at magtitinda lang kami ng mga anime merchandises at souvenirs katulad ng mga keychains, posters at iba pa.
Dahil nakikita naming marami ng booths ang nabubuo mula sa kabilang sections ay binilisan na rin namin ang pag-assemble sa aming booth. Nang mabuo na namin ang aming booth ay isa-isa na naming dinisplay ang aming mga products.
Maya-maya pa'y natapos na rin kami sa aming booth. Saktong natapos na kami sa aming booth ay nakita na namin ang pagpasok ng maraming tao sa gate ng aming school.
Since hindi ko gustong maglibot-libot ay nagrepresenta ako na kung pupwede ay kami na lang ni Ofelia ang magbantay o tagatinda sa aming booth.
"Hey Bill pupuwede bang kami na lang ni Ofelia ang maging tindera sa booth natin?" Pakikiusap ko kay Bill.
Hindi man lang ako tiningnan ni Bill dahil mukhang namomromblema eto at may malalim na iniisip.
"Oslo hindi ba masyadong boring kung magtitinda lang tayo ng mga products??" Ito lang pala ang malalim na pinag-iisipan nito.
"Wala tayong magagawa naunahan tayo ng ibang sections na kuhain sana yung mga magagandang ideas para sa booths" sagot ko sa kanya.
Hindi ito sumagot sa sinabi ko pero bigla namang lumiwanag ang mukha nito na parang nakaisip nanaman ng isang bagong ideya.
"I have a plan" Confident na sabi nito.
Kaagad itong tumakbo paalis sa amin ni Ofelia. Nang makita naming malayo na ito ay nagtinginan kami ni Ofelia at biglang natawa dahil mukhang nababaliw na itong si Bill kakaisip ng bagong ideya kung papaano mapaganda ang aming booth.
Nakita naming marami ng dumadagsa sa booths ng mga kabilang section pero sa aming booth ay iilan lamang ang mga pumupunta at hindi pa lahat ay bumibili.
Dahil sa medyo palpak nga ang aming booth ay nagdesisyon ang iilan sa aming mga kaklase na ilako ang aming mga paninda dahil nag-aalala sila na baka hindi mabalik ang aming mga puhunan.
Maya-maya pa ay nakita namin si Bill na kasama ang dalawa pa naming kaklase na may bitbit na malalaking mga box.
"Hey tipunin nyo rito yung ilan sa mga kaklase natin" Dahil sa utos ni Bill ay nagsibalikan ang aming mga kaklase sa aming booth.
"Hey papaano ba tayo makakakuha ng customers nito?? Huhuhu" Tanong ng aming mga kaklase.
"So may naisip akong paraan guys" Dahil sa sinabi ni Bill ay napunta lahat ng aming mga atensyon sa kanya.
Binuksan nya ang laman ng mga kahon na dala-dala nila. Mukhang mga tela o damit ang laman ng mga kahon kaya naman mas lalo lang kaming nagtaka kung paano ito makakatulong sa aming booth.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!