•Oslo's pov
Habang patagal ng patagal ay nafifeel kong lumalapit ang loob ko kay Rufus kahit na puro asaran at pikunan lang ang pinagagawa namin sa tuwing magkakasalubong kami. I can't explain it that much but all I know is there is a certain connection when I'm with him.
Kahapon ay naganap ang aming successful school event at to be honest isa ito sa pinakamasayang event na napuntahan ko.
Absent nanaman sa klase ngayon si Rufus siguro'y may pasok nanaman ito sa bar. Masasabi kong medyo napapabayaan nya na ng kaunti ang kanyang pag-aaral dahil sa kanyang mga absents pero who am I to judge him siguro kinakailangan lang talaga nito ng pera kaya kailangan talaga nitong magtrabaho.
Sa ngayon ay makikita mong medyo lutang at may hangover pa ang aking mga kaklase dahil sa naganap na event yesterday. Natalo rin kasi ang aming section sa sabayang pagbigkas kaya naman luging-lugi ang mukha ng iilan sa aming mga kaklase na sumali buti nga hindi kami sumali dito nina Ofelia at Hanna dahil araw-araw ang practice pero kapag natalo ay wala naman kaming matatanggap na additional grade.
Pagkapasok pa lang ng aming teacher ay ramdam na naming may ipapagawa ito sa amin dahil mukhang may mga dala-dala nanaman itong mga papel na sa tingin ko ay activities na papasagutan nanaman nya.
"So class may iiwan akong activity sa inyo dahil may meeting akong pupuntahan" saad ng aming teacher.
"Mr. President sayo ko muna iiwanan ang klase" saad nito kay Bill.
Umangal naman kaagad ang aking mga kaklase dahil nag-iwan nanaman ito ng activity sa amin ngunit wala naman kaming magagawa kundi gawin na lamang ito.
Pagkaalis ng aming teacher ay tumayo kaagad papunta si Bill sa pintuan upang siguraduhing nakaalis na talaga ang aming teacher atsaka dumiretso sa harapan ng klase.
"Heyy guys I have a plan. Since mukhang karamihan sa inyo ay mentally and physically exhausted pa rin dahil sa event kahapon naisip ko sanang wag nyo nang tapusin tong activity na bigay ni maam para ipauwi na lang sa atin" Saad ni Bill.
"Wag kayong mag-alala dahil ikoconvince ko si maam na nahirapan talaga tayo sa iniwan nyang activity para ipauwi nya na lang" dagdag pa nito.
Napailing na lang talaga ako sa trip nitong si Bill. Yung feeling na sya ang president ng room pero siya ang nagsisimula ng nga kalokohan at mga wild ideas katulad na lang noong pinag-costume kami ng anime costumes kahapon sa event. Si Bill lang makakaisip ng mga ganyang ideya.
Agree naman kaagad ang mga kaklase ko kaya naman sinagutan lang namin ng kaunti ang activity at nagsimula ng magdaldalan ang ilan sa aking mga kaklase.
Maya-maya pa ay nakita kong papalapit na sa aking pwesto sina hanna at ofelia. Nagulat pa ako dahil may baon-baon pa pala silang chips at mukhang ready na talaga silang maki-pagchismisan lalo na si Ofelia.
Buong oras ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa history ng school dahil nga ngayong taon lang naman ako nag-transfer dito at gusto ko pang malaman ang history ng school na pinapasukan ko.
Ang gusto ko talagang malaman sa school na to ay patungkol sa kung sino ba ang mga importanteng mga teachers at mga pioneers sa school na to pero itong si ofelia kung ano-ano na lang ang kinikwento na kesyo dating ospital daw dito tapos naging sementeryo tas naging school.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Teen FictionOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!