"Hanna bilisan mo na dyann" kaagad ko na namang binilisan ang aking paggalaw dahil baka malate pa kami ni ate sa aming mga pasok.
Tuloy-tuloy parin ang paghatid sa akin ni ate sa school pero pag uwian na ay ako na ang bahalang umuwi dahil mas maaga ang uwian ni ate sa kanyang trabaho.
Actually so far yung mga highlight ng buhay ko dito sa maynila simula ng lumipat ako dito ay kadalasang nagaganap tuwing uwian kaya naman okay lang sa akin na hindi ako ni tita nasusundo katulad na lamang noong Nalaman kong yung server at si Rufus ay iisa lang, Sinundo ako ni Oscar, naabutan kong nabugbog si Rufus at ilan pang mga kaganapan na laging nangyayari tuwing uwian.
"Bilisss na hanna malelate na tayo!!" Kinuha ko na kaagad ang aking bag at sumakay na sa kotse ni ate.
Pagkarating sa aming eskwelahan ay kaagad akong nagpaalam kay ate at dumiretso na kaagad sa aming classroom.
Pagkadating sa classroom ay nagulat naman ako dahil nakita ko si Rufus na natutulog sa kanyang upuan. Once in a life time opportunity lamang maganap na mauna syang pumasok kesa sa akin. Kailangan lang pala mabugbog tong si Rufus para makapasok ng maaga.
Dumiretso na kaagad ako sa aking upuan at hindi na inabala tong lalaking to dahil mamaya kainin ako nito ng buhay kapag nagising ko ito.
Maya-maya pa ay pumasok na ang aming unang teacher para magturo. Sinusubukan kong makinig pero talagang walang pumapasok sa utak ko.
Hindi ko rin kasi talaga forte tong math napakahirap naman talaga kasi at dahil sa wala man talaga akong maintindihan ay nagdrawing na lamang ako ng kung ano-ano sa aking notebook ng maalala ko nanaman ang mga ngiting ibinigay sa akin ni Rufus kagabi.
Bagay na bagay sa kanya ang nakangiti pero hindi naman talaga masyadong ngumingiti ang mga demonyo kaya hindi ko rin sya masisisi.
"Mr. Oslo can you tell me the answer to number 2??" nagulat naman ako ng tinawag ako ng aming teacher.
"Uhhhm ano po maam uhhhm ano po" utal-utal kong sabi.
Tumayo naman kaagad ako dahil pinapasagot ako ng tanong pero ang problema ay hindi naman ako nakinig sa lesson. Sa ngayon ay hinihiling ko na lamang na ipalamon na lang ako ni dear god sa lupa dahil hindi ko talaga alam ang sagot.
" Psssst the answer is 2x" mahinang boses na narinig ko mula sa aking likurang direksyon na galing kay Rufus.
Dahil sa hindi ko naman alam ang sagot ay magtitiwala na lamang ako sa binulong na sagot ni Rufus at kaagad ko rin itong sinagot kay maam.
"Correct mr.oslo, please be seated" huminga naman ako ng malalim nang marinig kong tama ang aking sinagot na mula kay Rufus.
Nang tingnan ko si rufus ay naka nap na ito sa kanyang desk. Paano kaya nalaman ng lalaking to yung sagot kung hindi rin sya nakikinig ng lessons at natutulog lang. Kakaiba rin talaga tong si Rufus.
Matapos ang ilang mga oras ay recess na kaya kaagad akong niyaya ni Ofelia at Hanna na bumaba sa canteen.
Papunta na kami ng canteen ng makita naming nagsisigarilyo si Rufus malapit sa isang gilid. Halata pa rin ang mga natamo nyang pasa mula sa mga nambugbog sa kanya kagabi.
Hindi na sana namin syang tatlo papansinin pero nakita naming padaan malapit sa kanya si president Oscar at siguradong mabibigyan si Rufus ng violation kapag nakita sya ni Oscar na naninigarilyo.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Genç KurguOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!