Chapter 30

111 6 0
                                    

Oslo's POV

Ngayong araw ay okay na ang kalagayan ko at hindi na ako nag-ooverthink masyado sa mga maaaring gawin ni Claire.



Masaya at maaga akong pumasok ngayong araw. Pagkadiretso ko sa aming classroom ay nginitian ko kaagad sina Ofelia at Hanna dahil alam ko namang sasalubungin nila ako pag papasok ako sa classroom.



"Hoy bat blooming ka ngayon?? Nadiligan ka ba??" Tiningnan ko naman ng masama si Ofelia nang marinig ko ang sinabi nito.


"Hoy ang dumi talaga ng bunganga mo hugasan mo nga yan ng safeguard gabi-gabi" pagtataray ko naman sa kanya.


"Hindi, totoo nga bes bat ang saya mo yata ngayong araw" maayos na tanong ni Hanna.



"Hindi ba pwedeng maganda lang yung gising ko?? O di kaya maganda yung tulog ko kagabi?"



"Bat ako ang ganda naman ng tulog ko tas di naman ako nagpupuyat hindi naman ako nagblobloom" pakyut pang saad ni Ofelia.



"Tanga paano ka magbloloom kung natutulog ka nga ng maaga pero natural na talagang mukha kang puyat" napataas naman ang kilay ni Ofelia nang marinig nya ang sinabi ko.


"Harsh kang nyeta ka ha!!" Kinurot naman ako nito sa bewang at nagtawanan lamang kaming tatlo sa mga kalokohan namin.


Napatigil naman kaming tatlo sa pagtawa dahil biglang pumunta si Bill sa harap ng classroom.

"Guysss absent daw si maam!!" Sigaw nito sa harap ng lahat.

Nagsigawan naman ang mga kaklase namin. Napagdesisyunan naman naming tatlo na bumaba sa quadrangle para tumambay.



Pagkahanap namin ng pwesto ay binuksan kaagad namin ang dala ni Hanna na mga chips. Pagdating talaga sa pagtambay laging nakahanda ang snacks ng mga kurikong na to.


"Guyss may apat na transferee daw this week" biglang saad ni Hanna.


"Ngii! Sa kalagitnaan pa talaga sila ng school year nagsipagtransfer sila lang din yung mahihirapang mag-adjust jan" komento ko.


"Tatlo daw yata galing sa probinsya. Yung isa nga yatang transferee kaprobinsya mo pa nga eh" Naagaw naman ni Hanna ang atensyon ko



"Ano daw pangalan ng kaprobinsya ko???" Tanong ko naman kay Hanna habang ngumunguya pa ng chips na dala-dala nya.

"Melody yata" kalmado nitong sagot.


"Shuta ka dzaiiii besprend ko yan noong elementary sa probinsya ko." Gulat kong sambit.


"Try mong puntahan sa office tapos i-school tour natin sya since kaibigan mo naman pala sya before. Nasa office pa rin yata sila try mo syang abangan tas hintayin ka na lang namin dito" sabi ni Ofelia.


Kaagad naman akong naglakad sa office mabuti na lamang at medyo malapit lang ito sa pinwestuhan namin nina Ofelia at Hanna.





Habang naglalakad papuntang office ay nakasalubong ko si Bill.

"Hoy saan ka galing!!??" Tanong ko.

"May inutos lang yung math teacher natin sa office" sagot nito.

"Nakita mo yung mga bagong transferees sa office??" Tanong ko kay Bill.


"Oo, si Oscar yata yung inutusan ng principal na mag-guide sa kanila kung asan nga ba yung mga magiging classroom nila. Bilisan mo paalis na yun sila" Nagpasalamat naman kaagad ako kay Bill at mabilisang tumakbo papuntang office.



Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon