Ngayong araw ay hindi nagklase ang aming mga teacher dahil isa ang mga section namin sa mga pinili para maglinis sa university para sa darating na buwan ng wika.
Tumutulong din sa paglinis ang members ng science club at student council para mas lalong mapadali ang aming paglinis.
"Shuta napaka init naman. Bat ngayon pa kasi piniling magpalinis kitang nademonyo itong araw ngayon sa sobrang init parang impyerno" Napatawa na lang kami sa mga hinaing sa buhay ni Ofelia.
Halos lahat nga naman ng makikitang estudyante ay kumikinang dahil sa punong-puno na sila ng pawis. Ang Karamihan pa ngang mga lalaki ay naghubad na ng kanilang uniform at nakasando na lang habang naglilinis.
"Oyyy patapon nga nito sa lagayan ng mga basura" inabot naman kaagad sa akin ni Bill ang isang sako ng basura para ilagay sa likod.
Kaagad ko namang kinuha ang isang sako ng basura. Hindi naman ito mabigat kaya hindi rin ako nahirapan na buhatin ito.
Nang malapit na ako sa tapunan ng mga basura ay may naamoy akong usok kaya naman mas binilisan ko ang paglakad papunta sa tapunan dahil baka mamaya may sunog na palang nangyayari.
Pero pagdating ko malapit sa tapunan ay napa-hinga na lang ako ng maluwag dahil nalaman kong hindi nagmula ang usok sa apoy. Nagmula ang usok sa sigarilyo nitong si Rufus.
Talaga nga namang walang katulad din itong si Rufus. Habang lahat kami ay naglilinis sya ay nagchichill lang dito sa likuran at pasigarilyo-sigarilyo lang.
Kaagad kong nilagay ang isang sako ng basura sa lalagyanan nito. Hindi ko naman pinansin itong si Rufus pero hindi mawawala sa tuwing magkakasalubong kami ay ang pagtititigan namin ng masama.
Bago umalis ay tinarayan ko muna ito at binigyan ng isang malaking pakyu. Pagkabalik ko ay nakikita kong nagbubuhat na sina Hanna at Ofelia ng mga boxes na inilalagay nila sa stage.
Dahil sa nakita kong marami-rami pa ang boxes ay kaagad akong tumulong sa kanila. Pinagpatong patong namin ang mga boxes malapit sa stage.
Maya-maya pa ay sobrang taas na ng pinagpatong-patong naming mga box kaya naman huminto na muna kami sa pagbuhat.
Paalis na sana ako ng makita kong parang hindi balance ang box at unti-unti na itong gumalaw na parang guguho papunta sa akin kaya naman napapikit na lang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
Bago gumuho ang boxes ay naramdaman kong may tumulak sa akin at prinotektahan ako laban sa mga nahulog na mga box pero kahit na naprotektahan nya ang upper part ng katawan ko ay naramdaman ko pa rin ang kirot sa aking paa dahil sa paghulog ng mga box dito.
Nang tingnan ko kung sino ang nag protekta sa akin ay nakita ko si Hanna na walang malay at may galos sa bandang uluhan. Kaagad namang nagsigawan ang ilang mga taong nakapalibot sa amin upang humingi ng tulong.
Kaagad lumapit si Ofelia sa amin at chineck kaming dalawa pero itong si hanna ay nawalan talaga ng malay. Kaya triny namin syang gisingin at tawagin sa kanyang pangalan pero talagang nawalan na sya ng malay.
"Are you guyss okay" tumakbo kaagad si Oscar papunta sa amin ng nakita nitong nagkakagulo ang mga tao malapit sa amin.
"Nahimatay si Hanna president Oscar" sabay na sabi ng mga estudyanteng nakapaligid din sa amin.
"Tumawag kayo ng sasakyan. Dadalhin ko sya sa hospital" kaagad na binuhat ni Oscar si Hanna.
"Oscarrrr sasama ako" may pag-aalalang sabi ni Ofelia.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up! (BOYXBOY)
Novela JuvenilOslo is at the behest of his relative's friends, he runs into a handsome and charming employee. The following day he goes back to his regular appearance only to have a very different encounter, meeting a guy who is nothing but rude and hateful!